top of page
Search
  • BULGAR

Paawa raw na ampon… DONNALYN, TINAWAG NA BASURANG CONTENT CREATOR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 19, 2024



Showbiz News


Sinagot ni Donnalyn Bartolome ang komento ng isang netizen na basurang content creator lang siya at nagpapaawa lang sa pagiging ampon. Matatandaan kasing isiniwalat ng vlogger/singer sa kanyang latest vlog na isa siyang ampon and as usual, may mga positive and negative comments ang mga netizens.


Masipag naman sa pagsagot ang rumored girlfriend ni JM de Guzman. Sinasagot niya ang ilan sa mga ito, be it positive or negative. Isang netizen kasi ang walang pakundangan na nilait ang singer/vlogger at sinagot naman niya ito nang maayos.


“Adopted daughter ka lang ng stepdad mo dahil kasama mo pa rin ang totoong nanay mo. Hindi ka naman kaawa-awang ampon na walang magulang at hindi mahanap, nag-ingay ka na naman nang walang katuturan. Pareho lang kayo nina Rosmar at Rendon, mga basurang content creators,” saad ng basher.


Ipinaliwanag ni Donnalyn na hindi siya kawawang ampon dahil sobrang thankful pa nga raw niya sa kanyang stepfather.


“Hey, I’m sorry po if you misunderstood. If hindi n’yo po napanood, hindi po ako nagpaawa. I actually did the opposite, ipinagmalaki ko po ‘yung kabutihan ng adoptive parent ko,” aniya.


“Hindi ko po alam kung bakit ako nako-compare sa “kaawa-awang ampon” when I actually told people na napakalaking blessing ng pagiging ampon “A far greater love than I was meant to have” and proceeded to say na hindi ko na kailangang hanapin pa ang pagmamahal ng magulang na hindi ‘yun kusang ibinigay sa ‘kin,” patuloy niya.


Tungkol naman sa pagtawag sa kanya ng basher na basurang content creator along with Rosmar and Rendon Labador, idinaan na lang sa awit ni Donna ang pagsagot.


“So sorry if you found other content creators content na walang katuturan pero kakantahan na lang kita. '‘Di Lahat... 'Di lahat ng.. maganda’y sasaktan ka lang.' Jokes aside, I hope you heal from whatever you're going through, resulting in you projecting and saying something unkind to another human being,” aniya.


“Pero lahat tayo nagkakamali kaya naiintindihan kita. Don’t worry din po, never ill-intentioned ang mga nagawa kong mali sa buhay ko at lagi kong sinusubukan mag-improve at baguhin anumang dapat baguhin. I genuinely wish you can consider doing the same and sana maging okay ka po whatever it is you’re going through,” mensahe pa ni Donnalyn sa kanyang hater.


 

KILIG much ang newbie singer na si Debbie Lopez dahil malapit na silang mag-meet ng celebrity crush niyang si JM de Guzman.


Sa mediacon ni Debbie last Saturday ay naikuwento niyang last year daw ay pinadalhan siya ng dalawang video greetings ni JM. Ang isa ay nu’ng Valentine’s Day kung saan ay sinabihan siya ng aktor ng "I love you" at ang isa naman ay nu’ng kaarawan niya.


“May isang follower ako na friend n’ya ‘yung ano ni JM de Guzman. So, Valentine’s Day, kinikilig ako, nagsabi ng ‘I love you,’” masayang kuwento ni Debbie.


“Tapos, ‘yung second part, ‘yung sa birthday, nagsabi siya, ‘I want to meet you in person,’” tsika pa ni Debbie na nagdiriwang ng kanyang kaarawan nu'ng araw na ‘yun, June 15.


Hindi pa raw natutuloy ang pagkikita nila ni JM at umaasa siyang soon ay mangyayari rin ito.


Kinikilig din niyang naikuwento na nagkaalaman na raw sila ng contact number ni JM at nagkaka-text na sila ngayon.


Pero crush lang naman daw niya ang aktor at wala siyang balak na agawin ito sa girlfriend na si Donnalyn Bartolome.


Samantala, bukod sa pagiging singer ay cosplayer at disc jockey din si Debbie. Isa siyang Cebuana pero kasalukuyang based sa Baguio City kung saan siya ay DJ sa ilang online radio stations.


Napasok daw siya sa mundo ng pag-awit during the pandemic. Nag-audition siya sa Sessions Live Music Stream at mapalad naman siyang nakapasa.


Aniya, “Kasama ko rin du’n si Jeffrey Hidalgo and some of the international artists, and 'andu’n din ‘yung Boyce Avenue and K-pop.”


Well, ngayon ay loveless daw siya at hindi na muna niya iniisip ang love life dahil naka-focus muna siya sa kanyang career.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page