top of page
Search
BULGAR

Paano mapapanatiling healthy ang isang relasyon?

ni Mabel G. Vieron - OJT @Life & Style | April 2, 2023





Ang goal mo rin ba ay magkaroon ng forever? Pero ‘ika nga nila, hindi hinahanap ang forever, pinaghihirapan ‘yan. Kailangan ito ng maraming effort at sacrifices para mag-work ang inyong pagsasama.

Narito ang ilan sa mga puwedeng gawin ng magkasintahan para magkaroon ng pangmatagalan na pagsasama:


  1. MAGTIWALA KA. Importante na magkaroon kayo ng tiwala sa isa’t isa dahil ‘pag wala kayo nito at masasamang bagay lang ang maiisip mo sa iyong partner, isa rin ito sa mga dahilan kaya nasasakal ang iba. Ang kakulangan ng tiwala ay hindi nakakaganda sa pagsasama, minsan, ito pa ang nagiging dahilan kung bakit nagtatapos ang isang relasyon. Pero kung may tiwala ka sa kanya at alam mong tapat siya sayo, mas magiging komportable ka sa relasyon n’yo.

  2. MAGING INTIMATE AT EXPRESSIVE. Iparamdam mo sa iyong partner kung gaano mo siya kamahal, puwede mo rin itong gawin sa pamamagitan ng paglalambing, emotional support, atbp. Kapag hindi ka marunong magpakita at magparamdam ng pagmamahal sa kanya, baka sa iba ‘yan maghanap. Patay tayo r’yan!

  3. MATUTONG MAGPARAYA. Hindi puwedeng ikaw ang boss at siya naman ang iyong alipin. Kung ikaw ang palaging nagdedesisyon sa inyo, minsan ay hayaan mo rin siyang pumili para sa inyong dalawa. Kung may mga bagay na gusto kang gawin, pero ayaw niya, ‘wag mo nang pilitin. Kapag parehas kayong may control, parehas din kayong magiging kuntento.

  4. AYUSIN ANG MGA PROBLEMA. May mga couples na kapag may hindi pagkakaintindihan ay sinusugod agad ang partner nila, habang mayroon din namang hinahayaan lang ang isyu na parang walang nangyari para iwas-gulo, ngunit ang mga ganitong scenario ay parehas lamang mali. Ang mga magkasintahan ay dapat na marunong makipag-communicate sa isa’t isa, tulad ng pakikipag-usap nang masinsinan upang maresolba ang kanilang isyu at para hindi na rin ito humaba pa. Kung medyo mainit ang sitwasyon, magpalamig muna kayong dalawa bago mag-usap, basta tandan na ‘wag niyong hayaan na hindi niyo nasosolusyonan ang pagtatalo niyo.

  5. DAPAT PAREHO KAYONG MARUNONG HUMAWAK NG PERA. Minsan nagiging iresponsable tayo pagdating sa pera. Kung hindi ka marunong humawak ng pera, malaking problema ‘yan sa isang relasyon. Importante na pareho ang mga pananaw niyo tungkol d’yan, lalo na kung balak mo na siyang pakasalan. Kung gastador ang isa at matipid naman ang isa, asahan mo na magkakaroon ng conflict ang inyong pagsasama. Maaga pa lang ay pag-usapan n’yo na ang kani-kanyang style tungkol sa paghawak ng pera.


Importante na maging masaya at healthy ang relationship, kaya’t sundin n’yo ang mga tips na ‘yan para maging masaya ang inyong pagsasama.


Kung sa tingin niyo, ka-BULGAR, helpful ang tips na ito, puwedeng-puwede n’yo itong i-share sa Facebook o ikuwento sa inyong loved ones! Okie?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page