ni Jasmin Joy Evangelista | September 18, 2021
May panawagan ang Department of Health (DOH) sa Commission on Elections (Comelec) tungkol sa usapin ng pagboto ng mga COVID-19 patients.
Anila, kailangang mag-isip ng alternatibong paraan ng pagboto para sa mga may COVID-19 na nasa isolation o medical facilities.
Ngunit ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, tutol sila sa pagpapalabas ng mga COVID-19 positives para makaboto.
"Ang DOH hindi inirerekomenda na ang COVID positive patients ay lalabas sa kanilang isolation, dahil baka makahawa ng iba... Sana Comelec will have an alternative way for voting for COVID positive cases; baka puwedeng virtual or through SMS (text)," ani Vergeire.
Nilonaw naman ng Comelec na hindi naman talaga nila hinihikayat palabasin ang mga may COVID-19 para bumoto.
"The idea of requiring such persons to leave their isolation facilities was never really on the table," ani Comelec spokesperson James Jimenez.
Sa ngayon, wala pang batas na nagpapahintulot sa ibang mga paraan ng pagboto.
Ang nasa "new normal" guidelines pa lang ng Comelec ngayon ay ang pagtatalaga ng isolation polling places sa araw ng halalan para doon boboto ang mga makikitaan ng sintomas ng COVID-19.
Comments