top of page

Paano maiiwasan na pasukin ng akyat-bahay gang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 15, 2020




Minsan ay nabiktima ka na ng akyat-bahay, kailangan mo nang maging maingat upang hindi na maulit pa ito para na rin sa kaligtasan ng iyong buong pamilya. Ingatan ang mga kagamitan at iba pang mahahalagang bagay sa inyong bahay. Mahirap kasing ma-traumatize ka sa ganitong sitwasyon.

Imadyinin mo na ang sarap ng tulog mo ng isang gabi at bigla mo na lang narinig na nabasag ang isang bintana o tila parang may umaaligid sa inyong bahay? Nakakakaba kaya dapat maging handa sa susunod na dapat gawin. Heto ang ilang tips para maiwasan ang mabiktima ng mga magnanakaw.

1. ALARMA. Kahit na iniisip mong ligtas pa ang inyong subdibisyon, isa pa ring mainam na ideya ay ang paglalagay ng security alarm, o alarmang direkta na sa istasyon ng pulisya. Ang ilang alarma ay pantawag pansin lamang sa nakatira at magsasabi lang na OK at ‘di OK na makakarating sa kaalaman ng pulisya.

Mayroon naman na awtomatikong activated para sa emergency police response. Magandang ideya na magkaroon ng ligtas na salita para malaman ng pulisya na tiyak kayong nasa ligtas na kalagayan o hindi.


2.MGA PINTUAN AT BINTANA. Ang mga magnanakaw ay madalas na humahanap ng simpleng target, kaya kapag nakakita sila ng bukas na bintana, iyan na ang bahay na kanilang tatangkaing pasukin. Ang pagsusi sa iyong pintuan at bintana sa gabi ay isang simpleng paraan para maiwasang pasukin ng magnanakaw, pero marami pa rin ang nakakalimot sa hakbangin na ito bago pa man matulog nang mahimbing. Ugali mo na ang alisin sa mga saksakan sa kuryente ang appliances pero ang pagsarang mabuti sa iyong bintana at pintuan ay hindi dapat makalimutan para maprotektahan ang buong pamilya.


3. LIWANAG. Ang mga Outdoor lighting ay isa sa pinakamainam na pag-iwas na iyong magagawa para layuan ka ng mga magnanakaw. Mas mainam na bumili ng energy efficient bulbs para maiwanan mong maliwanag ang iyong paligid at labas ng bahay. Kung ayaw mong magdamag na bukas ang ilaw, magpalagay ng motion detector lights na nagbubukas lamang kapag may napadaan, kaya kailangan mong magkaroon nito at kumuha na ng electrician.


4. MGA SIGNS. Alam n’yo ba ang isang simpleng sign ay paraan para maiwasang pasukin ng mga magnanakaw? May mga magnanakaw kasing alam na madaling pasukin ang bahay kung walang alarm system, pero kung may makikita silang alarm sign sa bungad ng pintuan o bintana, hahanap na lamang sila ng ibang bahay na bibiktimahin. Kaya kung wala kang alarma, magpalagay ka na nito. Ang paglalalagay din ng ‘Mag-ingat sa Aso’ ay isa pang sign na may litrato pa ng inyong mabangis na aso ay mainam na pantaboy sa magnanakaw. Sino ba ang gustong malapa ng Rottweiller o Pitbull?


5.ANG INAM NG MAY CCTV CAMERA. Ang isang security camera ay isa pang magandang pamproteksiyon. Kung kaya mong maglagay nito bilang seguridad ay mag-install na ng video screens sa paligid ng bahay kung saan maaaring makita ang mga pumapasok at lumalabas sa tahanan. Ang security cameras na ito ay puwedeng makahuli ng magnanakaw sa akto at magagamit na ebidensiya sa korte lalo na kung wala ka sa bahay.


6. ANG MGA LOCKS AT SUSIAN. Sa sandali ng iyong paglipat sa isang bahay, tandaan na palitan kaagad ang mga locks at susian, kahit na bago pa ang bahay. Tandaan na ang mga real estate agents, contractors at builders ay pawang may mga access sa iyong bahay na nilipatan at wala kang kamalay-malay diyan kung sino sa kanila ang gagawa ng kopya ng iyong susi. Konsiderahin ang pagkakaroon ng biometric locks na nagagawang basahin ang sistema ng fingerprints para mabuksan ang pintuan. Hindi mo na rito kailangan ng susi at walang keyhole para masundot ng magnanakaw. Kumuha ng locksmith at i-bump proof ang locks. Tandaan kailangan mong magkaroon ng espesyal na susi para sa bago mong locks at ito ay hindi mare-replicate sa mga hardware store.


7.SENTIDO KOMON. Kung nakuha mo na ang lahat ng mga nabanggit na mga preventive measures at mayroon pa ring nakapasok na masamang elemento sa iyong tahanan, maging handa. Tumawag kaagad sa 117 at iba pang nalalaman mong telephone number ng pulisya at saka magtago para makaiwas ka sa anumang panganib. Magpraktis ng mga ganitong pag-iingat kasama ng buong pamilya para matiyak nila ang kaligtasan at malaman kung paano makaiiwas sa ganitong sitwasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page