top of page
Search
BULGAR

Paano magiging makabayan at mabuting Pilipino?

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 2, 2020




Nagdaan ang Heroes Day noong Lunes, nagpupugay tayo sa makabagong bayani ng panahon, ang ating mga medical frontliners. Sila ngayon ang may malaking bahagi sa lipunan na kumakalinga at sumasagip sa buhay ng mga tinatamaan ng COVID-19 ngayong panahon ng pandemya. Sumasaludo ang BULGAR sa inyong lahat at dalangin namin na pakaingatan kayo ng Diyos at protektahan sa oras ng pangangalaga sa mga may sakit. Paano ba maging tulad nila?


1. IRESPETO ANG KARANGALAN. Kapag sinabing bayani ka, makabayan ka unang-una, tapat ka sa paglilingkod sa bansa at mahal mo ang iyong kapwa at bayan. Hindi naman ibig sabihin na hindi mo na gugustuhin ang iba pang lugar sa mundo. Kumbaga, ang una mong prayoridad ay ang iyong bansa.


Ang mga nagpapakabayani at makabayan ay ikinararangal at nirerespeto ang bansa. Hindi ibig sabihin na hindi ka na maaring mamintas at punahin ang gobyerno sa mga bagay na sa tingin mo ay ginagawang kalokohan pero maikokonsidera mo pa rin na mainam na lugar para matirahan.


Kung may mga batas na dapat sundin ay sundin. Kung kailangan na magbigay na opinyon ay magpahayag ka.


Kung talagang makabayan ka, gagawa ka ng paraan na magbukas ang isipan at opinyon nang hindi mo sisirain ang iyong bansa. Rerespetuhin ang kabuuang ideya at layunin maging ang iyong kapwa.


Ang pagiging makabayan ay iginagalang ang naglilingkod sa bayan, tulad ng paggalang sa mga medical frontliners. Bagamat marami-rami ang mga bulok na kamatis, ang mga manggagawa ng gobyerno ay mga dedicated pa ring indibidwal para mapaayos ang takbo ng bansa.


Maging sila man ay mga Senador, Kongresista o mga sundalo, nagtatrabaho sila para sa bansa upang mapaayos ang ating buhay.


2. PAGMAMAHAL.Kasunod ng pagiging makabayan ay ang pagmamahal sa bansa. Kung hindi mo mahal ang iyong bansa, walang magaganap na pagrespeto o paggalang sa bansa. Ang mahalin ang ang bansa ay hindi ibig sabihin ay hindi ka na mag-iisip ng ibang bagay na nagawa ng mali o ang bagay na hindi na iibayo pa, pero iyan sa kabuuan mahal mo ito at dedepensa para sa marami. Ang basikong kahulugan ng pagkamakabayan ay ang pagmamahal sa bansa.


3. KATAPATAN. Kung makabayan ka, tapat ka sa iyong bansa. Hindi ka gagawa ng anumang bagay na ikasasama mo nito o ikapapahamak ng iyong kababayan. Hindi ka magpapakalat ng anumang kasinungalingan o magbubunyag ng anumang lihim ng iyong bansa at itatangi mo ang bansa sa abot ng iyong makakaya.


Ibig sabihin magiging mabuting tagapaglingkod bayan ka upang umibayo ang kondisyon o bilang isang sundalo, sisikapin mo ang iyong makakaya para madepensahan ang bansa na minamahal laban sa masasamang impluwensiya.


O maaring sabihin nito na dedepensahan mo ang iyong bansa na parang ipinagtanggol mo ang iyong kapitbahay. Ang pagkamakabayan ay ang katapatan sa kabuuan hindi lamang sa isang grupo.


Bilang mabuting mamamayan, maraming kahulugan nito sa bawat Filipino. Isang bagay ang malinaw, ang pagiging mabuting Pinoy ay naaawit ang Lupang Hinirang, nabibigkas ang Panatang Makabayan ng buo at tama at pagsaludo sa bandila.


Upang masabing totoong mabuting mamamayan, ibig sabihin ay higit pa sa simbolikong pagkamakabayan at hindi dapat maging tagasunod ng anumang political party o ideolohiya.


1. PAGSUNOD SA BATAS. Ang pagsunod sa batas ng bansa ang unang hakbang upang maging mabuting mamamayan. Napakahalaga na sundin ang mga rules and regulations na itinakda ng batas at sinang-ayunan ng marami, habang may kalayaan at seguridad sa bansa. Dito sa ating bansa, masyado nang marami ang lumalabag sa batas, sundin naman natin upang umayos ang ating kalagayan sa buhay.


2. PAGKAMULAT SA PULITIKA. Isang senyales ng pagiging mabuting mamamayan ay ginagamit ang kanyang karapatang bumoto. Ang pagboto ay upang makuwalipika ang isang tao sa pagbibigay ng atensiyon sa anumang pulitikal na argumento.


3. KALAYAAN NG MAMAMAHAYAG. Ang kalayaang magpahayag ay napakamahalaga sa mga manunulat ng Konstitusyon na bilang bahagi ng unang amyendahang batas mula nang bumagsak ang diktadurya. Ang kalayaang magsalita laban sa mga lider na tiwali at para sa ikabubuti ng mayorya ay hindi lamang bahagi ng mabuting mamamayan, napakahalaga rin na matiyak na umiiral ang demokrasya.


4. PAGTULONG. Bahagi ng pagiging mabuting mamamayan ay ang manguna sa pagtulong bagamat nakalilimutan itong gawin ng gobyerno. Halimbawa, ang mabuting mamamayan ay magdo-donate ng mga PPE's at pagkain sa charities. Gumagamit ng libreng oras o bakasyon para tumulong ngayong pandemya. Dito mo rin dapat ipakita ang prebilehiyo ng pagiging sundalo, magbuwis ng buhay upang maipagtanggol ang bansa at mga kababayan laban sa mga mananakop.

0 comments

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page