top of page
Search

Pa Valentines ng Meralco... Mas mababang presyo ng kuryente

BULGAR

ni Fely Ng - @Bulgarific | February 14, 2021




Hello, Bulgarians! Napakagandang balita ang hatid ng Meralco sa mga konsyumer ngayong linggo. Kamakailan ay inanunsyo ng Meralco ang pagbaba ng presyo ng kuryente para sa buwan ng Pebrero. Mula sa presyong P8.75 kada kilowatthour (kWh) noong Enero, ito ay bumaba sa P8.68 kada kWh.


Tila pababa na talaga ang karaniwang paggalaw ng kuryente mula pa noong nakaraang taon. Kung ikukumpara raw kasi ang presyo ng kuryente ngayong buwan sa presyo ng kuryente noong Pebrero 2020, ang kasalukuyang presyo ay mas mababa ng P0.18 kada kWh.


Malaking kaluwagan ito para sa mga customer ng Meralco. Ang pagbaba ng presyo sa anumang produkto at serbisyo ay maituturing na malaking tulong sa mga konsyumer lalo na ngayong napakarami ang walang sapat na panggastos sa pang araw-araw.


Mula noon pa man, kilala na ang Meralco bilang isang kompanyang nagmamalasakit sa mga customer nito. Bukod sa magandang balita ukol sa mababang presyo ng kuryente ngayong Pebrero, patuloy ang pagbibigay ng serbisyo at tulong ng Meralco sa mga konsyumer nito ngayong panahon ng pandemya.


Isa pang magandang balita mula sa Meralco ay ang muling pagpapalawig ng ipinatupad nitong No Disconnection policy para sa mga konsyumer na ang konsumo kada buwan ay hindi tataas sa 100 kWh. Tiyak na gumaan ang kalooban ng mga konsyumer dahil sa mas mahabang palugit na ibinigay ng kompanya upang makabayad ang mga ito ng kanilang mga naipong bill sa koryente.


Bagamat ang nasabing polisiya ay ipinapatupad lamang para sa mga konsyumer na may konsumong 100 kWh pababa, bukas ang tanggapan ng Meralco sa mga pakiusap ng mga konsyumer ukol sa mas magaan na paraan ng pagbabayad upang hindi maputulan ng serbisyo ng kuryente. Batid ng Meralco ang kahalagahan ng serbisyo ng kuryente ngayong panahon ng pandemya, lalo na ngayong marami ang nagtatrabaho mula sa kani-kanilang bahay at marami ring mag-aaral ang sumasailalim sa mga online class.


Sa mga panayam kay Meralco VP and Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, binigyang diin niya na hindi prayoridad ng Meralco ang pagpuputol ng serbisyo ng mga customer na hindi pa kumpleto ang bayad sa mga naipong bill.


Sa gitna ng pandemya, kung saan napakaraming nawalan ng hanapbuhay at negosyong nagsara, napakahalaga na mayroong mga kompanya gaya ng Meralco na patuloy na nagpapakita ng malasakit sa mga ito at patuloy na naghahatid ng magandang balita sa pamamagitan ng mababang singil sa koryente. Nawa’y ang ibang kompanyang nagbibigay ng serbisyo sa mga konsyumer gaya ng tubig, internet, at iba pa, ay masundan ang pagpapakita ng malasakit na ginagawa ng Meralco. Happy Valentine’s day everyone!

0 comments

Recent Posts

See All

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page