ni Mylene Alfonso | April 25, 2023

Ikinukonsidera ni President Ferdinand Marcos, Jr., na muling buhayin ang programa ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., na "Concert in the Park" kung mas marami pang Filipino ang interesado na manood ng concert series ng kanyang administrasyon na unang sinimulan sa Malacañang.
"Pagka dumami na ang interesadong manood ay titingnan natin, baka ibalik natin sa Luneta," wika ni Marcos.
Sa kanyang vlog, sinabi ng Pangulo na layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga Pinoy performer sa nasabing industriya.
"Talagang binuksan natin ang Palasyo at ganoon din ang ating pag-iisip dahil ang Palasyo naman ay walang may may-ari nito kundi ang taumbayan," pahayag ng Pangulo.
“Wala na pong essential at non-essential na trabaho ngayon. Lahat po ng hanapbuhay ay kasama sa ating tuluy-tuloy na pagbabago. Walang maiiwan lalo na ang creative industry.”
"Minsan nakapagtataka na 'yung ibang Pilipino, kilalang-kilala abroad pero hindi natin kilala dito sa Pilipinas. Kaya itong mga konsiyertong ginagawa natin ay ipapakilala natin ang mga magagaling na artist.”
Comments