ni Bong Revilla - @Anak ng Teteng | September 11, 2020
Sa buwang ito ay magdiriwang ako ng aking kaarawan. Sobrang makabuluhan ito ngayong taon dahil kahit magkakalayo tayo bunga ng umiiral na pandemya ay mas marami naman tayong magkakasama na magdiriwang.
Dahil sa mga umiiral na patakaran, walang salu-salo, walang handaan, pero may malaking celebration pa rin, lalung-lalo na para sa marami sa ating mag-aaral.
Sa pamamagitan ng KAP program, ang KAALAMAN, ATING PALAWAKIN, magkakaroon tayo ng Gadget Giveaway upang kahit paano ay matulungan natin ang maraming nangangailangang mag-aaral.
Mamamahagi tayo ng 10-inch tablets na magagamit sa blended learning. Mayroong tablets para sa Luzon, para sa Visayas, para sa Mindanao, at para sa National Capital Region (NCR).
Paano ka makakasali?
1. Labanan ang fake news!
Para sa tiyak at tamang impormasyon, i-follow at mag-subscribe sa aking mga opisyal na account:
Website- http://www.bongrevillajr.ph/
YouTube- https://www.youtube.com/c/BongRevillajrph/
Facebook- https://facebook.com/bongrevillajrph/
Instagram- https://www.instagram.com/bongrevillajrph/
2. Pumunta sa http://bit.ly/KAPkaalamanatingpalawakin at i-fill-up ang form. Isang entry lang kada tao. Automatic na matatanggal ang mga may mahigit sa isang entry. Magbubukas ang submission of entries simula September 11 hanggang September 18.
Isang entry lamang bawat kalahok ang maaring isumite at kinakailangang ipakita ng mananalong kalahok ang Student ID ng beneficiary ng tablet bilang patunay ng kanyang pagkakakilanlan.
3. Sumubaybay sa mga magiging anunsiyo kung kailan gagawin ang pagpili ng mga mananalo.
Ang pagpili ay gagawin online sa pamamagitan ng randomizer para tiyak na patas ang pagkakataon ng lahat.
Tumutok lang sa ating mga official accounts para sa updates!
4. Kung ikaw ay masuwerteng mapipili, may tatawag sa ‘yo para kumpirmahin ang iyong pagkapanalo, at kung paano makukuha ang iyong gadget. Maghanda lang ng isang valid ID o barangay clearance bilang katunayan ng iyong pagkakakilanlan.
O simpleng-simple at napakadali lang ‘di ba? Game na!
https://www.bongrevillajr.ph/kap
Anak ng Teteng!
Kaarawan ko sa buwang ito, may sorpresa ako sa inyo. Kahit na hiwa-hiwalay tayo dahil sa pandemya ay tinitiyak kong sama-sama tayo sa selebrasyon. Sa aking birthday, ako ang magbibigay ng regalo. Abangan!
May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o
mag-email sa anakngteteng.bulgar@ gmail.com
gud day po sen bong revilla ako po c jon patrick columna tga trece martires cavite po sana po akoy mapili sa inyung paraffle wala po kami pambili ng gadget mahirap lang po kami vendor po nanay ko,pwd tatay ko happy birthday po
gud day sen bong.sana po isa anak ko sa mapili,slmat po
Gud day po..sana po isa po ako sa ma swerte na mapili nyo..para po sa aking anak..maraming salamat po
Nagsubmit nko ng form dun sa link na pinaclick nyo.sana makita nyo yun. Name ng bata na ggamit Ernesto
Ilagan III. Logdeck Caningag Caraga Davao Oriental Elementary School.
09455310739
Sana po sen idol maging mapalad ako na mapili,para lng sa dalawa kong anak na isang grade 1 at isang grade 2,hiraman nila isang tablet.kauuwi lng nila sa bukid ng Davao Oriental dahil sa mahirap na sitwasyon sa luzon kaya sila umuwi sa Probinsya.