top of page
Search
BULGAR

P9M halaga ng bangus at tilapia, namatay dahil sa pagsabog ng Taal


ni Lolet Abania | July 6, 2021


Umabot sa mahigit 100 metrikong tonelada ng isda ang namatay dahil sa isang insidente ng tinatawag na ‘fish kill’ sa Talisay, Batangas.


Sa isang statement ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong Martes, nasa tinatayang volume na 109 MT ng bangus at tilapia na nagkakahalaga ng P8.999 milyon ang nalugi dahil dito.


“The water quality assessment report showed that dissolved oxygen in several areas in Taal Lake has registered 2.38 to 3.80 mg/L, which is comparatively lower than the standard level of 5.0 mg/L. The levels of ammonia and sulfide are above the standard level which are potentially harmful to fishes,” pahayag ng BFAR.


Gayunman, ayon sa BFAR, ang lokal na gobyerno ng Talisay at mga operators na apektado ng kaso ng mga namamatay na isda ay nagtutulungan para sa ligtas na pagkolekta at pagtatapon ng mga naturang isda.


Matatandaang noong July 1, isinailalim ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Taal Volcano sa Alert Level 3 matapos ang pagsabog nito na naglabas ng isang kilometrong taas ng phreatomagmatic plume.


Nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang paligid ng bulkan.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page