top of page
Search

P97M pananim, napinsala ng tagtuyot

BULGAR

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 6, 2024




Napinsala ang hindi bababa sa P97 milyong halaga ng mga pananim dahil sa mahabang tagtuyot sa Negros Occidental.


Sa pinakahuling tala, apektado ng tagtuyot sa probinsya ang 2,585 magsasaka at P97,788,037 naman ang halaga ng napinsalang mga pananim.


Dahil sa lumalalang pinsalang natamo, inihirit nina Negros Occidental Gov. Eugenio Jose Lacson at Rep. Emilio Yulo III ng ika-5 Distrito ng Negros Occidental sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM), na irebyu ang kanilang desisyon na huwag isagawa ang operasyon ng cloud seeding sa lugar.


Nagpasya ang BSWM na hindi ituloy ang cloud seeding dahil sa kakulangan ng mga 'viable clouds and moisture.' Maaari ring makaapekto ang ulan sa 20,659 puno ng mangga na nasa proseso ng paglago sa San Carlos City, at 2,752 puno sa Guimaras.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page