top of page
Search
BULGAR

P977.47 milyon para sa expansion ng F2F classes — DepEd

ni Lolet Abania | March 3, 2022



Naglaan ang Department of Education (DepEd) ng P977.47 milyon para makatulong sa pangangailangan ng mga paaralan na nagsasagawa ng limited in-person classes sa ilalim ng expansion phase.


Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, ang naturang halaga ay gagamitin para pondohan ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng mga paaralan.


“Marami po sa mga pondo na atin pong pinaghahandaan ay ‘yun pong physical arrangements ng eskuwelahan, ‘yun pong protection and safety ng mga learners at mga guro, at siyempre po ‘yung mga learning resources na kailangan natin,” ani Sevilla sa Laging Handa public briefing nitong Miyerkules.


Batay sa report, ang mga elementary schools, na humahawak ng Kindergarten hanggang Grade 6 students ay makakatanggap ng pinakamalaking share na P531.36 milyon.


Gayundin, ang mga Junior High Schools, na sakop ang Grade 7 hanggang 10 ay makakatanggap ng P303.62 milyon habang ang mga Senior High Schools na mula Grade 11 hanggang 12 ay mabibigyan naman ng P142.49 milyon.


“These amounts are to be downloaded [or] released to the Regional Offices. The Regional Directors are authorized to allocate the said amounts among schools considering the implementation status of face-to-face classes in their respective regions,” pahayag ng DepEd sa kanilang report.


Sa mga regional offices, ang Central Luzon ang makakatanggap ng pinakamalaking alokasyon na mahigit sa P80 milyon. Sinabi pa ng DepEd na ire-retain naman ang P41.47 milyon o 4.24 percent ng kabuuang pondo na anang ahensiya, “as a contingency fund.”


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page