top of page
Search
BULGAR

P9.1 M napinsala; 5 namatay sa Bagyong Ofel

ni Lolet Abania | October 15, 2020




Nag-iwan ng matinding pinsala sa agrikultura na umabot sa P9.1 million ang Bagyong Ofel, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region V. Sa report ng Department of Agriculture (DA) Regional Office 5, may inisyal na halagang P9,120,315 ang mga nawasak na pananim sa Masbate at Sorsogon.


Gayundin, anim na pamilya ang nag-evacuate sa rehiyon. Naiulat ding nagkaroon ng matinding pagbaha sa mga lugar dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices (PDRRMOs).


Naglabas din ng report ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office 5 ng mga nangyaring landslides sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte at Masbate.


Nagsasagawa na ang DPWH district offices, maging ang local government units ng clearing operations sa naturang rehiyon. Samantala, lima ang namatay dahil sa Bagyong Ofel sa mga lugar na binaha at pagkakaroon ng landslides.


Naiulat na tatlong bata na nasa edad 6, 9 at 10-anyos ang nalunod mula sa ilog sa Pototan, Iloilo.


Dalawa pang residente ng Barangay Lorega at Barangay Buhisan sa Cebu City ang nalunod din dahil sa pagbaha sa kanilang bahay at pag-apaw ng dam.


Gayunman, wala pang kumpirmasyon mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung ang mga namatay ay direktang maiuugnay sa Bagyong Ofel.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page