top of page
Search
BULGAR

P80M para sa scholarship ng CDWs

ni Mylene Alfonso @News | Jan. 7, 2025



File Photo: DepEd / Sen. Win Gatchalian


Inanunsyo ni Senador Win Gatchalian na may P80 milyong nakalaan sa 2025 national budget para sa scholarship ng mga child development workers (CDWs).


Kasama sa inaprubahang national budget ang isang special provision na ipinanukala ni Gatchalian, kung saan inilaan ang P80 milyong pondo sa ilalim ng Promotion, Development, and Implementation of Quality Technical Education and Skills Development Programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).


Sa ilalim ng nasabing special provision, bibigyang prayoridad ang mga kasalukuyang CDWs na hanggang high school lamang ang natapos.


Upang ipatupad ang naturang programa, bubuo ng mga pamantayan ang TESDA at ang Early Childhood Care and Development (ECCD) Council.


Sa 68,080 CDWs sa buong bansa, 11,414 ang nakatapos ng high school.


Ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), matutulungan ng scholarship ang humigit-kumulang 2,854 na CDWs upang paigtingin ang kanilang propesyonal na kakayahan.


Nakahanay ang panukala ni Gatchalian sa isinusulong niyang Early Childhood Care and Development Act (Senate Bill No. 2575).


Layunin ng panukalang batas na magkaroon ng universal access sa early childhood education. Isinusulong din niya ang upskilling at reskilling ng mga CDWs.


Sa ilalim ng naturang panukala, magiging mandato sa mga CDWs na tumapos ng upskilling at reskilling training programs sa early childhood education o ECCD.


Nabatid na dapat makapasa sila sa certification ng TESDA na magbibigay nang libreng assessment at certification.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page