top of page
Search
BULGAR

P8.8-B investment facility sa Batangas pinasinayahan ng PMI

ni Chit Luna @News | April 18, 2024



PR photo
Philip Morris International (PMI) and PMFTC’s top executives, together with key government dignitaries, gather to inaugurate its P8.8 billion Smoke-Free Products Facility in Tanauan City, Batangas. The new manufacturing wing in PMFTC’s factory will produce specially designed heated tobacco sticks BLENDS for BONDS by IQOS. “The opening of this state-of-the-art facility marks another significant milestone in our commitment to a smoke-free Philippines,” said PMI Chief Executive Officer Jacek Olczak, in a short speech during the ceremonies. Leading the ribbon cutting ceremony were (L-R) PMI Region President Frederic De Wilde, PMFTC Manufacturing Director Elvio Rocco, PMI Senior Vice President Operations Scott Coutts, PMI Chief Executive Officer Jacek Olczak, First Lady of the Republic of the Philippines Louise Araneta-Marcos, PMFTC President Denis Gorkun, PMFTC Board of Director Michael Tan, LT Group President Lucio Tan III and Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Pinasinayahan ngayon ng Philip Morris International (PMI) ang panibagong P8.8 billion (US$150 million) investment nito sa local affiliate na PMFTC Inc. upang higit pang patatagin ang kakayahan nito sa paggawa ng mga smoke-free products.

Ang naturang bagong smoke-free product manufacturing facility ang isa sa kauna-unahang foreign investment na natapos sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Nauna nang kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tobacco industry na isa sa mga tumutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa partikular sa Northern Luzon at Mindanao.

Ang bagong gawang manufacturing wing sa loob ng PMFTC factory sa Tanauan City, Batangas ang pinakamalaking investment para sa kategoryang alternatibong sa sigarilyo, kaugnay sa pananaw ng PMI na “smoke-free future”.

“The opening of this state-of-the-art facility, an investment of 8.8 billion Philippine pesos or 150 million U.S. dollars, marks another significant milestone in our commitment to a smoke-free Philippines. The expansion of Philip Morris’ presence in the country is also “a testament to our confidence in the Philippine economy and the local tobacco farming industry,” ani PMI Chief Executive Officer Jacek Olczak na siya rin nanguna sa inagurasyon.

Ayon kay PMFTC Inc. President Denis Gorkun, ang naturang pasilidad ay isang patunay na adhikain tungo sa pagkakaroon ng smoke-free Philippines. Tinukoy ni Gorkun na ang naturang pasilidad ay makakagawa ng heated tobacco sticks para sa mga smoke-free products na isang tagumpay at patunay na mahalaga ang kalusugan ng mga komunidad.

Sa naunang pahayag ni Pangulong Marcos, tinukoy nito na ang tobacco industry ay isang “indispensable bedrock” dahil sa nakakalikha ito ng kita, trabaho, at oportunidad lalo na sa komunidad kung saan ito nakakasakop. Dagdag pa ng Pangulo, ito rin ay isang mapagkukunan ng buwis para magkaroon ng pondo ang pamahalaan at mabigyang proteksyon ang kabuhayan ng libo libong magsasaka ng tabako.

Ang dagdag na pasilidad ay maglilikha ng mga heated tobacco sticks na idinisenyo para sa brand na BLENDS. Ang naturang heated tobacco sticks ay ekslusibo lamang sa sa gumagamit ng BONDS na gawa ng IQOS.

Noong Nobyembre 2022 ay inilunsad ng PMFTC Inc. ang BONDS by IQOS na nakaugnay sa special na disensyo para sa mga heated tobacco sticks na BLENDS. Ito ay ginawa upang magbigay daan sa mga taong hindi makapag hinto ng paninigarilyo at lumipat sa abot-kaya at masinsin na smoke-free product na pinatunayan ng science na mas konti ang pinsala sa kalusugan kumpara sa sigarilyo.

Imbes na sunugin o liyaban ang isang sigarilyo, ang BONDS by IQOS ay maghahatid ng parehong lasa at kasiyahan ng walang abo at amoy-sigarilyo. Mayroon din itong features ng resistive external heating sa pamamagitan ng patented roundheat tobacco system. At kung mag-init na ang tobako sa BONDS by IQOS ay naaalis nito ng average 95% lower levels ang mapanganib na kemikal kumpara sa sigarilyo.

Ang IQOS na tinaguriang 'world’s most successful tobacco heating device' ay inilunsad ng PMFTC noong 2020 sa Pilipinas kasama ang tobacco sticks na tawag na HEETS. IQOS ILUMA, ang pinakabago na heated tobacco device, at ang consumable heat sticks na tinatawag na TEREA ay ipinakilala ng PMI sa bansa noong nakaraang taon.

Nitong mga huling buwan ng taong 2023, idinagdag ng PMFTC ang ZYN nicotine pouches sa kanilang portfolio ng smoke-free products. Ang ZYN ay maaring mabili sa mga lokal na online sites at sa mga IQOS stores, vape stores, at iba pang mga 7-11 outlets at tobacconists.

Lahat ng produktong naglalaman ng nicotine mula sa PMI ay para lamang sa mga adults na kung hindi ay magpapatuloy sa paninigarilyo o paggamit ng ibang mga produktong may nicotine, at naghahanap ng mas mainam na alternatibo sa paninigarilyo.

When we embrace smoke-free alternatives, we take a proactive step towards expanding the potential of the local tobacco crop, ensuring a sustainable future for generations of local farmers and individuals who rely on the tobacco industry,” sabi ni Denis Gorkun.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page