ni BRT | April 3, 2023
Umabot sa mahigit P700,000 na tulong ang ipinamahagi ng gobyerno sa mga pasahero ng barko na nasunog sa bahagi ng Baluk-Baluk Island sa Basilan.
Ito ang iniulat ni Department of National Defense officer-in-charge Senior Undersecretary Carlito Galvez, Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ang pinansiyal na tulong na ibinigay sa mga biktima ay umaabot sa P640,000 habang mahigit P71,000 naman ang mga non-food items na ipinamigay ng Department of Social Welfare and Development kasama ang provincial government ng Basilan.
Comments