ni Lolet Abania | June 2, 2021
Nasa P66.2 milyong puslit na pekeng sigarilyo ang nakumpiska sa dalawang shipments ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic.
Sa isang statement, ayon sa BOC nitong May 19, isang 40-footer container na idineklarang mga sapatos na consigned sa RNRS Trading, habang isa pang shipment ng cartons film na consigned naman sa Heybronze Non-Specialized Wholesale Trading ang dumating sa nasabing daungan.
Ayon sa BOC, sumailalim ang dalawang shipments sa physical examination kung saan nadiskubre ang iba’t-ibang pekeng sigarilyo na may mga brand na Marvels Menthol, Marvels Filter, Two Moon Filter, Two Moon Menthol, Fort Menthol 100’s, Mighty Menthol, Champion at Jackpot.
Nag-isyu na ng warrants of seizure at detention nitong May 28 laban sa mga shipments dahil sa umano'y paglabag sa National Tobacco Administration Memorandum Circular No. 03, NTA Board Resolution No. 079-2005, Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines, at RA No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.
Comments