ni Eli San Miguel @News | May 14, 2024
Naglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng higit sa P64.8 milyong halaga ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng El Niño sa Western Visayas.
Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ng ahensya na kanilang ibinigay ang 37,367 kahon ng family food packs (FFPs) sa Negros Occidental, 33,054 kahon sa Antique, 18,880 kahon sa Iloilo, 10,707 kahon sa Aklan, 1,809 kahon sa Capiz, at 1,000 kahon sa Guimaras.
Sinabi ng DSWD na mayroong 367,809 pamilya, o 1,360,623 indibidwal, ang naapektuhan ng tagtuyot na dulot ng El Niño sa Rehiyon 6.
Sa kasalukuyan, mayroon ang DSWD Western Visayas ng higit sa P96.7 milyong halaga ng mga relief supplies at standby funds.
Comentarios