ni Jasmin Joy Evangelista | December 15, 2021
Nasabat ang labinlimang pakete ng high-grade marijuana na kush sa isang package na dumating sa Clark, Pampanga, nitong Lunes.
Dumaan ang package sa x-ray scanning kung saan nadiskubre ang laman nitong marijuana.
Base sa chemical laboratory analysis ng Philippine Drug Enforcement Agency, nakumpirmang kush ang nasa loob ng padala at idineklarang quilt o kobre kama ang laman ng package mula Washington, sa Amerika.
Matapos nito ay nagkasa ang PDEA at Bureau of Customs ng controlled delivery operation sa consignee na taga-Malate, Maynila.
Tiklo ang lalaking kumuha ng padala at kakasuhan ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Abot sa P675,000 ang kabuuang halaga ng kumpiskadong marijuana na itinurnover na sa PDEA.
Comments