P5M reward vs. killer ng Negros Oriental Governor
- BULGAR
- Mar 5, 2023
- 2 min read
ni Mylene Alfonso | March 5, 2023

Nag-alok ng P5 milyong pabuya ang Department of Justice (DOJ) sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon laban sa nagpapatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Samantala, nagbanta naman si Pangulong Bongbong Marcos sa mga nasa likod ng pagpatay kay Degamo.
“You can run but you cannot hide,” ani Marcos.
Tiniyak ni Marcos na hindi titigil ang gobyerno hanggang hindi nabibigyan ng hustisya ang pagpatay sa gobernador at tuluyang mapanagot ang mga responsable sa krimen.

Sinabi pa ng Pangulo na tutugisin nila ang mga salarin kaya pinakamainam umanong sumuko na sila ngayon.
“My government will not rest until we have brought the perpetrators of this dastardly and heinous crime to justice,” sabi ng Pangulo sa isang pahayag.
“The investigation into this murder is developing rapidly. We have received much information and now have a clear direction on how to proceed to bring to justice those behind this killing,” ayon pa kay Marcos.
Kinondena rin ni Vice President Sara Duterte kung saan kailangang alamin ng mga awtoridad ang away-pulitika sa Negros Oriental na kumitil na nang ilang buhay bukod kay Degamo.
“Authorities must start looking at the political feud that has gripped Negros Oriental and has taken so many lives, not just of Gov. Degamo,” banggit ni Duterte.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., na inatasan na niya ang Philippine National Police na magsagawa ng hot pursuit operation upang agad na mahuli ang mga salarin.
“Naka-deploy na ang mga puwersa ng Negros Oriental Provincial Police Office pati na ang mga kapulisan sa karatig na probinsya para galugarin ang bawat sulok ng lugar para agad na madakip ang mga kriminal,” saad ni Abalos.
Habang kinondena rin ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang nangyaring pamamaslang kung saan panahon na aniya para may mapanagot o masibak sa puwesto.
“Heads must roll, and the PNP must crack down on this case immediately. I also must call on the PNP to strengthen its efforts against the culture of impunity that seems to be encouraging more and more of these attacks to happen across the country. We cannot keep on letting these go on, especially when it puts innocent civilians in the crossfire,” giit ni Zubiri.
Ayon naman kay House Speaker Martin Romualdez, ito ay isang malaking hamon sa awtoridad.
“This is a direct challenge to the authorities... Ayaw kong mawalan ng tiwala sa ating kapulisan. Hindi na puwede ang puro pangako. Kailangan natin ng agarang aksyon,” ani Romualdez.
Comments