ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 17, 2025
Photo: David Licauco - IG
Ang bongga naman ni David Licauco sa kanyang rebelasyon na kumita pala siya ng tumataginting na P50 million sa isang taon dahil sa showbiz at negosyo.
Ipinost ni David sa kanyang Instagram (IG) account ang bahagi ng kanyang video interview sa Izkul of Diskarte (IOD), kung saan ay natanong siya kung magkano ang pinakamalaking kinita niya sa isang taon sa negosyo at showbiz.
“Ang hirap ng tanong mo, Pare, ah!” natatawang sagot ni David.
“Gusto mong hulaan?” tanong niya sa interviewer.
Ten million pesos ang unang hula ng interviewer pero ani David ay higher daw.
Sa P30 million, higher pa rin daw.
“P50 (million)?” tanong ng nag-i-interview.
“Somewhere (there),” sey ni David.
As we all know, bukod sa pag-aartista ay nasa industriya rin ng food and beverage business si David. May tatlong branches na ang kanyang Korean-style fast food brand na Kuya Korea, habang dalawa naman ang branches ng kanyang restaurant na Sóbra Cafe. Mayroon din siyang construction business.
Dyowa ng isa sa may-ari na si Sam…
RHIAN, UMAMING MAS MATAAS SA NASA KONTRATA ANG TF BILANG ENDORSER
PINALAKPAKAN at pinuri ng entertainment press at invited guests ang grand media launch/comeback ng Luxxe White Ultimate Collection ng Frontrow International na ginanap last Saturday (March 15) sa kanilang head office in Quezon Avenue, QC.
Sa totoo lang, first time in the history na nagkaroon ng ganitong media launch at itinuturing na boldest marketing move ever sa business and showbiz industry.
Sa pagsisimula ng media launch ay nasaksihan muna ng entertainment press ang wake and funeral ng old Luxxe White, na mind you, nakalagay pa ang naturang produkto sa isang kabaong at nagkaroon pa ng final viewing.
A week before the event ay inanunsiyo ng Frontrow na hanggang March 15 na lang mabibili ang kanilang best-selling Luxxe White product na 15 years ding namayagpag sa market.
Sa media launch, after the ‘burol’ ng old product ay nagkaroon ng grand reveal na hindi naman tsinugi talaga ang Luxxe White, kundi ini-repackage nila at mas pinabongga pa.
Ipinakilala na rin sa media nang gabing ‘yun ang new face of Luxxe White na sina Rhian Ramos and Michelle Dee.
Ayon kay Rhian, hindi naging mahirap para sa kanya ang tanggapin ang offer ng Frontrow dahil aside from the fact na boyfriend niya ang isa sa mga bosses na si Sam Verzosa, noon pa naman daw ay gumagamit na siya ng produkto.
“I was already using it ever since I met Sam and he introduced me to the product. I met his Frontrow family before I met his family members and of course, I started using the product and I saw the difference,” sey ni Rhian.
“So, yeah, I would have done it for free,” natatawa pa niyang sabi.
Follow-up na tanong naman ng host na si King of Talk Boy Abunda, “You have a good contract?”
Natatawang sagot ni Rhian, “I read all my contracts 3 or 5 times. So, I have a good contract. I’m actually compensated way beyond what the contract says.”
For Michelle naman, kilala na raw niya ang Luxxe White noon pa mang sumali siya sa Miss Universe Philippines.
“When I joined Miss Universe Philippines for the first time, Frontrow was actually a presenter and when I won first runner-up then, the product that was mine was Luxxe White Slim.
“So, I was able to get experience already, I can really vouch for the product and now that it’s bigger and better, there’s no way but up,” ani Michelle.
Ngayon ay apat na produkto na ang Luxxe White Ultimate Collection – ang Luxxe White Ultima kung saan ay si Rhian ang ambassador, Luxxe White Slim na ine-endorse naman ni Michelle, Luxxe White Renew at ang Luxxe White Protect.
Dinagdagan na ng dosage ang Luxxe White Ultima at Luxxe White Slim. Ang Luxxe White Renew naman ay puno ng super berries gaya ng acai, goji, at noni fruit na may pure barley at moringa din. At ang Luxxe White Protect ay mayroong potent 500 milligrams na pure grape seed extract – na nagbibigay ng life-changing benefits ng Vitamins C, D, and E.
Samantala, ang brain behind this crazy but brilliant media launch ay walang iba kundi ang isa sa big bosses ng Frontrow na si RS Francisco.
“People love drama and controversy and we gave them a spectacle they couldn’t ignore. But instead of failure, they witnessed the rebirth of a legendary and revolutionary product,” ani RS.
Comments