ni BRT @News | August 29, 2023
Naglaan ng P500 milyong budget upang ayusin at magtayo ng karagdagang linya na madadaanan ng mga bisikleta sa bansa, para sa taong 2024.
Ang nasabing pondo ay maaaring gamitin sa pagtayo ng dagdag na bike lanes, at pag-aayos sa iba pang mga linya na una nang nasira dahil sa iba't ibang kadahilanan.
Ito ay bahagi rin ng malawakang active transport program (ATP) ng kasalukuyang administrasyon.
Una nang sinabi ng Department of Transportation na plano nitong makapagtayo ng hanggang 2,400 na kilometro ng mga bike lanes sa buong bansa, bago matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos.
Commenti