ni Fely Ng - @Bulgarific | August 4, 2022
Hello, Bulgarians! Kamakailan ay napabalita ang kalagayan ng tinaguriang Asia's fastest woman in the 1980s, na si Lydia De Vega Mercado. Mabilis na inaksyunan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nang malaman ang kanyang sitwasyon at agad na nagpaabot ng suporta sa atleta sa kanyang pakikipaglaban sa Stage 4 na breast cancer, ang pinaka-mapanghamong karera sa kanyang buhay.
Alinsunod dito, ang PCSO, sa pangunguna ni Chairperson Junie E. Cua at Vice Chairperson at General Manager Melquiades A. Robles ay nagpadala ng suportang-pinansyal sa pamilya ni De Vega-Mercado sa halagang P500,000 para sa kanyang pagpapagamot sa Makati Medical Center. Sa pamamagitan ng kanyang anak na si Stephanie Mercado de Koenigswarter na tumanggap ng tseke noong Martes, Agosto 2, 2022.
Ang track and field legend na si Lydia de Vega-Mercado ay tumakbo sa 1984 Los Angeles Olympic at noong 1986 Asian Games sa Seoul, Sout h Korea, na kauna-unahang nanalo ng back-to-back gold medal sa 100-meter dash. Ito ang nagtulak sa kanya sa katanyagan at tinawag siyang Asia's fastest woman at "Sprint Queen" noong dekada otsenta, gayundin ang unang babaeng Pilipino na tumakbo at nakipagkumpetensya sa Olympics. Ang kanyang mga nagawa ay nagsilbing tanglaw ng inspirasyon para sa bayan at palaging magsisilbing motibasyon sa mga Pilipino.
Kasabay ng pagbibigay-suporta sa atleta, nabanggit din sa kaganapan ang iba pang tulong ng PCSO sa mga lugar na dinaanan ng lindol kamakailan, kung saan nagpadala ang ahensya ng mga gamot, food packs at ambulansya na magagamit ng mga kababayan sa mga apektadong lugar.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comentários