top of page
Search
BULGAR

P500 monthly allowance sa PWD, puwede ‘di ba?! puwede!!

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Jan. 17, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Bagong taon, bagong aksyon! Eto na ang matinding real talk! Ang RA 7277 o Magna Carta for Persons with Disabilities, parang overdue na sa update, ‘di ba? Kaya ngayong 2025, sagot ko na ’to para sa ating mga PWD!


Sabi ko nga, “Oo, may benepisyo, pero para kanino?” Paano na ‘yung mga kababayan nating halos wala nang pambili ng ulam? Kaya naman, ipaglalaban ko ‘to, mga besh! Let’s make it inclusive — lahat dapat may share sa biyaya ng buwis!


Mabubutas talaga ang bulsa natin sa presyo ng wheelchair, therapy at mga gamot ng ating mga PWD! Ang bet ko? P500 monthly allowance para sa mga may matinding kapansanan. Push ‘di ba?


Maliit na halaga lang, pang-basic needs -- pandagdag bigas, gamot, o kahit pamasahe papuntang doktor! Sa hirap ng buhay ngayon, every peso counts! ‘Yang P500 na ‘yan winner na!


Hindi ito Mission Impossible kasi nagawa nga natin noon sa New Centenarians Act na super tagal bago naipasa. Kaya’t kapit mga besh, dahil magagawan natin ito ng paraan! IMEEsolusyon sa lahat ng bagay!


Nasa 600,000 lang ang bilang ng severely challenged PWDs natin. Give na natin ‘yang P500 monthly allowance para sa kanila! Serious talk, tama na ang mga paandar lang at puro talk. Time to be practical and fair!


Ako na mismo magbibigay ng dalawang “E” sa IMEE para sa ating mga kafatid na PWD. Ang aking dalawang “E” to ENABLE + EMPOWER. From PWD to PUWEDE -- puwedeng-puwede!


Push natin ang inclusive at patas na bayan para sa lahat ngayong 2025! Agree?

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page