top of page
Search

P500 dagdag-sahod sa kasambahay sa NCR, aprub — DOLE

BULGAR

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 16, 2023




Makatatanggap ang mga kasambahay sa Metro Manila ng P500 na dagdag sa kanilang buwanang sahod, ayon sa pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE).


Ayon sa DOLE, naglabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng National Capital Region ng isang wage order noong Disyembre 12, na nagbibigay-daan sa P500 na dagdag sa kanilang kasalukuyang sahod mula P6,000 patungo sa P6,500.


Magiging epektibo ang pagbabago simula Enero 3, 2024.


Bukod sa mga kasambahay sa NCR, tatanggap din ang kanilang mga counterpart sa Caraga region ng P1,000 na dagdag sa buwanang sahod na magiging epektibo sa Enero 1, 2024, matapos maglabas ang RTWPB ng Caraga ng isang wage order.


Samantalang tatanggap naman ang mga manggagawang may minimum wage sa Caraga ng P20 na dagdag, mula sa kasalukuyang P350 patungo sa P370, na magiging epektibo sa Enero 1, 2024.


Bilang karagdagan, may P15 na dagdag-sahod na magiging epektibo sa Mayo 2024, na muling itataas ang kanilang sahod mula P370 patungo sa P385.


Ayon sa DOLE, inaasahan na makikinabang ang 65,681 manggagawang may minimum wage sa rehiyon ng Caraga, at 256,476 na mga kasambahay sa Caraga at Metro Manila.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page