ni Lolet Abania | June 11, 2022
Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Sabado na asahan na ang dagdag sa kada araw na bayad para sa mga minimum-wage earners sa Eastern Visayas.
Ayon sa DOLE, nag-isyu na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) VIII ng Wage Order No. RBVIII-22.
Batay sa desisyon, may P50 wage increase na ibibigay ng 2 tranches sa mga manggagawa, kung saan P25 kapag naging epektibo na ang wage order at isa pang P25 sa Enero 2, 2023.
“After full implementation of wage tranches, workers in the non-agriculture sector and in retail and service establishments employing 11 or more workers will receive a daily wage of P375,” pahayag ng DOLE.
“Meanwhile, workers in the agriculture sector, cottage and handicraft, and retail and service establishments employing 10 workers or less will receive a daily wage of P345,” dagdag ng ahensiya.
Gayundin, ang regional VIII’s wage board ay nag-isyu ng isa pang order upang i-grant naman ang P500 wage increase sa mga domestic workers, kung saan ang bagong minimum monthly wage rate sa mga kasambahay sa Eastern Visayas ay P5,000 para sa chartered cities at first-class municipalities habang P4,500 para sa iba pang munisipalidad.
“Around 82,712 workers in private establishments and 57,081 kasambahays are expected to benefit from the minimum wage increases. The previous Wage Orders for workers in private establishments and for kasambahays took effect on August 18, 2019 and January 1, 2020, respectively,” saad ng DOLE.
Ayon pa sa ahensiya, ang latest wage orders ay na-review at pinagtibay na ng National Wages and Productivity Commission (NWPC). “They will take effect after 15 days from their publication in a newspaper of general circulation in the region,” sabi ng DOLE.
Comments