ni Imee Marcos - @Buking | August 31, 2020
Truly na malambot ang puso natin sa ating mga kababayang OFWs. Knows natin ang napakahirap nilang pinagdaraanan kapag umaalis ng bansa at naiiwan ang kanilang pamilya. Tapos baon pa sila sa utang dahil sa mga bayarin para lang makalabas ng bansa.
Kaya kahit tipikal na Ilocana, pagdating sa mga manggagawang Pinoy, hindi tayo nagkukuripot sa kanila! Mga besh, deserve nilang mabigyan ng malaking ayuda. Baon sila sa utang, wala silang maiiwan na kahit na singko sa kanilang pamilya. Nakakaawa.
At hindi lang ‘yan, buwis-buhay sila sa pagsasakripisyo, namamaltrato pa ng kanilang mga amo. May iba’t ibang kaso pa ng mga pangmomolestiya, pero dahil sa nire-remit nilang pera sa kabang bayan, malaking bagay ang dolyares na kontribusyon nila sa paglago ng ating ekonomiya.
Kaya heto nga, kahit sa ating simpleng pamamaraan, ibalik natin ang ating gratitude sa kanila. Ayokong magkuripot sa kanila, kaya ‘yung dating P50,000 na halaga ng credit assistance para sa OFWs, nananawagan tayong baka kayang itaas ito sa P100,000.
At sana, mga besh, bago pa man sila makalipad pa-abroad, eh, makuha na nila ang nasabing loan, para naman kahit paano me iaabot sila sa kanilang maiiwang pamilya at meron din silang kaunting baon pa-abroad.
Sana, magawan ng paraan ng ating mga kasamahan sa gobyerno partikular na sa OWWA na ibigay ang nasabing pautang. ‘Di ba! ‘Kalerki, na aalis silang butas ang bulsa.
I think naman, eh, keri na ng OWWA na ipautang yan sa mga OFWs. Remember, malaki ang ambag nila sa paglago ng ating ekonomiya dahil sa kanilang mga remittance.
Panawagan natin sa mga taga-OWWA, pakigawan naman ‘yan ng paraan, may pera naman silang inimbak sa OWWA, kaunting konsiderasyon! Plis lang!
Comments