ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 9, 2021
Nagpatupad ng city-wide curfew si San Juan City Mayor Francisco Zamora dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila simula ngayong Martes nang gabi.
Sa Executive Order No. FMZ-072, Series of 2021, nakasaad na ang curfew ay magsisimula nang alas-10 PM hanggang 5 AM kung saan exempted ang sumusunod:
Health workers at frontline personnel;
On-duty police, military, at law enforcement personnel;
Mga empleyado ng city government;
Mga manggagawang may proof of employment;
PUV drivers; at
Delivery services
Ayon din sa lokal na pamahalaan, ang sinumang lumabag sa curfew hours ay maaaring pagmultahin ng halagang P20,000 hanggang P50,000 o “pagkakakulong mula 1 hanggang 6 na buwan o parehong multa at kulong sang-ayon sa pasya ng korte.”
Comentários