top of page
Search
BULGAR

P5 bawas-presyo sa bigas

ni Mai Ancheta @News | September 22, 2023



Bumaba na ang presyo ng bigas sa ilang lugar sa Metro Manila dahil dumadami na ang supply.

Ayon sa mga tindera ng bigas sa Pasig Megamarket, bumaba ng hanggang P300 ang presyo ng kada sako ng bigas kaya nagbaba rin ng presyo sa kanilang presyo ng hanggang P5 kada kilo.


Ang pagdami ng supply ng bigas ay dahil panahon na ng anihan ng palay kaya marami na ang naibabagsak sa mga palengke.


Matatandaang nagpatupad ng price ceiling sa bigas ang gobyerno nitong unang linggo ng Setyembre dahil sa mataas na presyoat hindi pa matatag ang supply.


Pero sinabi ng gobyerno na pansamantala lamang ang price cap at aalisin din ito sa sandaling maging matatag na ang supply sa bansa.


Inalis na rin ng mga rice retailer ang limitasyon sa pagbebenta ng regular milled at well-milled rice na tig-isang kilo lamang para mas marami ang makabili ng P41 at P45 kada kilo na itinakda sa price cap.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page