ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 25, 2024
Tinupok ng Philippine Drug Enforcement Agency-Region 1 (Ilocos) ang P6 milyong halaga ng mga halamang marijuana sa dalawang-araw na operasyon sa Mount Leteban, Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur, at Sitio Les-eng, Barangay Tacadang, Kibungan, lalawigan ng Benguet noong Enero 24-25.
Sinabi ni PDEA-Region 1 Director Joel Plaza ang 11,100 na lumagong mga halamang marijuana at kinumpiska ang 1,800 seedling na nagkakahalaga ng P2.3 milyon sa tatlong plantasyon na may kabuuang sukat na 1,706 metro kwadrado sa Sugpon.
Samantalang, 18,010 na piraso ng lumago nang halamang marijuana at 702 na seedling na may halagang P3.6 milyon mula sa siyam na plantasyon na may kabuuang sukat na 3,129 metro kwadrado ang winasak sa Kibungan.
Sinabi ni Plaza na sinunog ang mga ito sa lugar at dinala ang mga sample sa kanilang headquarters para sa dokumentasyon at tamang pagtatapon.
Comments