top of page
Search
BULGAR

P480K halaga ng pekeng pera nasabat ng BSP ngayong taon

ni Jasmin Joy Evangelista | November 4, 2021



Higit P480,000 halaga ng pekeng pera ang nasabat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga nakaraang operasyon nito ngayong taong 2021.


Ayon sa BSP, 7 operasyon na ang isinagawa ng ahensiya at 16 suspek na ang naaresto kung saan 14 sa kanila ay miyembro umano ng sindikato.


“The BSP's Payments and Currency Investigation Group, which carries out said operations, has already filed criminal cases against the arrested individuals in the courts,” sinabi ng ahensiya.


“In addition to the seized counterfeit Philippine currency, the BSP also seized more than 200 pieces of counterfeit foreign banknotes during the said period,” dagdag pa nila.


Kaugnay nito ay nagbabala ang ahensiya na sa ilalim ng batas, ang mga namemeke ng pera ay maaaring makulong sa loob ng 12 taon at isang araw kasama ang fine na hindi lalampas sa P2 milyon.


Hinihikayat din nila ang publiko na ipagbigay-alam sa mga awtoridad o tumawag sa mga telephone number (02) 8988-4833 at (02) 8926-5092 sakaling makaranas ng nasabing usapin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page