ni Madel Moratillo | June 4, 2023
Pinag-aaralan pa ng gobyerno kung paano ang magiging implementasyon ng food stamp program ng Marcos administration.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Undersecretary Eduardo Punay, ang tinatayang P40 bilyong pondo na kailangan sa programa ay pang-isang taon lang.
Layon ng Food Stamp Program na tinawag na "Walang Gutom 2027” na matulungan ang mga pamilyang nakararanas ng involuntary hunger o kumikita ng mas mababa sa P8,000 kada buwan.
Una rito, sinabi ng DSWD na P3,000 ang ibibigay sa pamilyang benepisyaryo kada buwan na ibibigay electronically.
Ito ay para may maipambili sila ng pagkain sa DSWD registered o accredited local retailers. Ayon kay Punay, nakikipag-ugnayan pa sila sa economic team ng administrasyon kung paano ang funding ng programa.
Nakikipag-ugnayan din aniya sila sa Asian Development Bank at World Bank na nag-alok na popondohan ang programa.
Una rito, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, na target masimulan ang programa sa unang quarter ng 2024. Sa ngayon ay nasa tinatawag na design stage pa rin kasi ang programa
Commenti