ni Madel Moratillo | July 1, 2023
Isang kilo ng regular-milled na bigas lang umano ang kayang bilhin ng 40 pesos na dagdag-sahod na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa National Capital Region.
Sa isang pahayag, sinabi ng Federation of Free Workers na ang 40 pesos na dagdag-sahod sa mga minimum wage workers sa NCR ay hindi sapat sa gitna ng mataas na cost of living sa rehiyon.
Bagama't isa anila itong maliit na panalo sa hanay ng mga manggagawa, dismayado pa rin ang maraming manggagawa sa karampot na dagdag-sahod.
Ang inaasahan sana umano nila ay 100 pesos man lang para makaagapay sa pang-araw-araw.
Dismayado ang grupo dahil mga negosyante umano ang mas kinilingan ng wage board at hindi mga manggagawa.
"Ang tingin ho namin dito ay mumo insulto sa hanay ng mga manggagawa kasi ang usapin ay overdue na ito. Alam naman natin ang pinagdaanan ng kalagayan ng ating mga manggagawa, dumaan tayo sa pandemya. Dumaan 'yung napakataas na inflation rate hanggang ngayon," pahayag naman ni Jerome Adonis, secretary-general ng Kilusang Mayo Uno, sa isang panayam.
Comments