top of page
Search
BULGAR

P4-B, hirit ng DepEd para sa allowance ng mga estudyante at titser

ni Twincle Esquierdo | November 13, 2020




Nagplano ang Department of Education (DepEd) nitong Huwebes na magbibigay sila ng “connectivity allowance” sa susunod na taon para sa mga pampublikong guro at mga mag-aaral sa senior high school.


Humiling si Secretary Leonor Briones ng P4 bilyon mula sa Department of Budget and Management, ang P3.6 bilyon ay gagamitin sa load allowance ng 3.2 milyon senior high school students at 900,000 para sa mga guro.


Makatatanggap ng P450 load allowance ang mga guro habang P250 sa loob ng 3 buwan ang mga senior high school.


“We recognize the importance of load allowance for our learners and teachers to deliver quality education despite these challenging times due to the COVID-19 pandemic,” sabi ni Briones.


Ayon pa kay Briones, ang natitirang P400 milyon ay gagamitin sa pag-print at pag-deliver ng mga self-learning modules, paggawa ng mga materyales para sa DepEd’s online at broadcast platform at pagtatatag ng 2,000 radio transmitters.


Patuloy namang naghahanap ng paraan ang DepEd para masuportahan ang distance learning sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga telecommunication companies sa bansa.


Bago nito, iba’t ibang grupo ang nanawagan sa DepEd na magbigay ng load allowance para sa mga estudyante at guro dahil malaki na ang nagagastos ng mga ito para sa online class.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page