top of page
Search
BULGAR

P3M bagong logo ng PAGCOR, pinalagan

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 13, 2023


“’Kala ko bagong logo ng Petron.” “The design is very kopong-kopong.” “3 million ang logo.” “Mukhang demonyo.”


Pinutakti ng batikos ang bagong logo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na inilunsad noong Martes kasabay ng 40th anniversary nito.


Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco, sumisimbolo raw ang bagong logo ng pagbabago at progreso.


“The logo likewise reflects a beacon which symbolizes guidance, leadership, and direction. It represents a guiding light that helps people find their way,” dagdag pa niya.


☻☻☻


Ayon sa mga litrato ng Notice of Award sa isang Mr. Francisco D. Doplon na may-ari ng PRINTPLUS GRAPHIC SERVICES na lumantad sa social media, umaabot sa P3,035,714.28 ang bayad para sa bagong logo na ito.


Ang puna ng marami, hindi sulit ang bayad kumpara sa naging kalidad ng output.


☻☻☻


Kailangan na ba ng regulasyon para sa pagpapalit ng mga official logo o seal ng mga ahensya at ibang institusyon ng pamahalaan?


Pagkatapos ng gulo tungkol sa “Love the Philippines” brand ay sumunod naman ang PAGCOR sa kontrobersiya.


Hindi basta-bastang usapin ang branding ng isang ahensya, at hindi maaaring balewalain ang kasaysayan na nakalakip sa mga original na logo at seal ng mga ito.

☻☻☻


Paano na lamang kung gawa ng National Artist o iba pang batikang artist ang logo na papalitan?


Kagaya halimbawa ng mga makasaysayang Coat of Arms at Seal of the President of the Philippines na nilikha ni Galo Ocampo?


Nanganganib na mapalitan ang mga ito ng mga disenyong hindi papantay sa original kung malayang babaguhin kung nais ng ahensya.


☻☻☻


Hindi naman masama ang pagbabago. Ngunit kung hindi naman kailangan, bakit pa ito babaguhin?


Puwede pa ba humingi ng refund?


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page