top of page
Search
BULGAR

P3K dagdag-bayad sa mga titser na nag-OT sa eleksyon, aprub!

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | May 19, 2022


Mahalaga ang naging papel ng ating mga guro sa pagsiguro na maisasagawa ang nakaraang halalan sa maayos at matiwasay na paraan.


Isinakripisyo nila ang kanilang oras bilang mga election frontliners, nagtiis sa buong araw at higit pa, at hinarap ang galit at yamot ng ilang hindi kuntento sa proseso.


☻☻☻


Kaya nararapat lamang na kilalanin ang pagsisikap nila.


Suportado natin ang panukala ng Department of Education sa Commission on Elections na bigyan ng dagdag na P3,000 ang mga teaching and non-teaching personnel na napilitang mag-overtime dahil sa mga isyu sa vote counting machines at SD card.


Umaasa rin tayong masusunod ang pag-release ng mga honoraria ng mga gurong sumabak sa halalan sa May 24, na siyang petsang nakatakda sa pagbibigay nito.


Sa ating mga guro, muli, maraming salamat sa paglingkod ninyo.


☻☻☻


Ayon sa Department of Health, may local transmission na ng Omicron subvariant BA.2.12.1.


Sa kasalukuyan, mayroong 17 kaso ng BA.2.12.1 sa bansa — 16 nito ay local cases samantalang ang isa ay mula sa isang nagbalik-bayan na overseas Filipino na naninirahan ngayon sa Western Visayas.


Nilinaw ng DOH na bagama't may local transmission na, wala pang nagaganap na community transmission.


Inaasahan nating kikilos agad ang pamahalaan upang makontrol ang pagdami ng kaso dahil bagong sub-variant na ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page