top of page
Search
BULGAR

P358 Milyon pekeng sigarilyo, tiklo sa Cavite raid

ni Chit Luna @Brand Zone | March 24, 2024




Ang mga kalahoKinumpiska ng mga team ang 1.6 milyong pakete ng mga ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng P184.7 milyon mula sa bodega sa Dasmarinask sa isang panel discussion sa nakaraang Global Forum on Nicotine ay sumang-ayon na ang nikotina ay kinikilala na ngayon sa mas malawak na gamit nito.


Mahigit sa 3.12 milyong pakete ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P358 milyon, kasama ang walong ( 8 ) makina sa paggawa at pagpapakete ng sigarilyo sa isinagawang raid ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga ilegal na pabrika at bodega sa Dasmarinas City at Indang, Cavite nitong nakaarang araw.


“Bahagi ito ng direksyon ni BIR Comm. Romeo Lumagui Jr. na paigtingin pa ang kampanya laban sa illegal na sigarilyo, para mapunuan ang bilyong piso na nawawala sa kaban ng bayan dahil sa ilegal na gawaing ito. Bukod sa nagdudulot ito ng higit na panganib sa kalusugan ng taong bayan, napakalaki din ng negatibong epekto nito sa ekonomiya ng bansa,” sabi ni Regional Director Eric Diesto, BIR Director for CABAMIRO.


Ayon kay Jesus Manapat, NBI-Intellectual Property Rights Division (IPRD) Chief, “This concerted effort aims to thwart illegal operations by organized crime syndicates, especially those involving foreign nationals, and to protect our people from the harmful effects of illegal cigarettes. By putting a stop to the selling and manufacturing of illegal cigarettes, we are also hoping to help bolster economic activities, employment and to provide our local farmers better opportunities.”


Pinangunahan ni Atty. Jason Torres, hepe ng BIR Regional Investigation Division-CABAMIRO, at NBI-IPRD Ex O John Ignacio, ang operasyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa patuloy na paglaganap ng ilegal na mga sigarilyo, na nauwi sa taunang pagkawala ng hanggang P100 bilyon sa kita mula sa buwis ayon sa BIR.


Kinumpiska ng mga team ang 1.6 milyong pakete ng mga ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng P184.7 milyon mula sa bodega sa Dasmarinas at karagdagang 1.1 milyong pakete na nagkakahalaga ng P126.6 milyon mula sa pabrika sa Indang.


Kinumpiska rin nila ang dalawang linya ng mga makina sa paggawa at pagpapakete ng sigarilyo mula sa dalawang lokasyon.


Samantalang ang isa pang pasilidad sa Dasmarinas ay nahulihan din ng 408,000 pakete na nagkakahalaga ng P46.76 milyon, kasama ang katulad na setup ng mga makina.


Ang bawat linya ng makina ay maaaring magprodyus ng hanggang 175 pakete bawat minuto o hanggang sa 43.7 milyong pakete kada taon, na pwedeng humahantong sa halagang P2.7 bilyon na nawalang kita mula sa buwis kung magpapatuloy ang ilegal na produksyon.


Ang mga nakumpiskang brand ng sigarilyo, kabilang ang Carnival, HP, Troy, Cannon, Victor Agila, New Orleans, Two Moon, at Fort, ay hindi rehistrado sa BIR at walang mga selyo ng buwis o mga mandatoryong babala sa kalusugan ng Department of Health.


Nagsasagawa ang mga awtoridad ng masusing imbestigasyon matapos 12 Chinese nationals ang iniulat na sangkot sa operasyon, at ang mga pasilidad ay napatunayang inuupahan lamang.


Binigyang-diin ni Direktor Diesto ang commitment ng gobyerno na labanan ang ilegal na kalakal ng tabako at ang operasyong ito ay isa lamang sa maraming pagsisikap ng BIR at mga ahensya ng gobyerno upang tuparin ang mandato ng Pangulo na labanan ang mga kriminal.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page