ni Lolet Abania | October 23, 2022

Wagi ang nag-iisang mananaya ng jackpot prize na P35,410,477.80 sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado ng gabi, Oktubre 22, 2022, ayon Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang winning number combination ay 44-50-07-52-46-36.
Limang mananaya naman ang nanalo ng second prize na halagang P100,000, habang 239 bettors ang nakakuha ng third prize na halagang P1,500.
Wala namang nakasungkit ng jackpot prize na P21,034,188.00 sa Lotto 6/42 draw rin kagabi, na may winning number combination na 34-20-31-39-22-03.
Comments