ni Angela Fernando - Trainee @News | January 18, 2024
Grabe ang pagkadismaya ng isang mag-asawa sa Naic, Cavite nang makita ang ipon nilang umaabot sa P34 K na dapat sana'y pampagamot sa kanilang anak na may sakit sa puso ay inamag at nagkasira-sira.
Ilang taon daw ang binuno ng mag-asawa upang ipampagamot sa isa nilang anak na may problema sa puso.
Pagbabahagi ni Gng. Ma. Louiena Lopez, nagdesisyon silang mag-asawa na buksan ang kanilang itinagong ipon bago ang Kapaskuhan dahil sunud-sunod ang pagkakaroon ng sakit ng kanilang anak. Kaya ganu'n na lang ang pagkadismaya nila nang makita na sira-sira at inaamag na ang kanilang ipon nang mabuksan ang alkansiya.
Mula sa inipong sahod ng asawa ang kanilang itinabi sa isang PVC pipe.
Bagama't nasa P19 K na ang napalitan ng bangko ay pinoproseso pa ang ibang mga bills na grabe ang naging sira.
Samantala, dahil sa nangyari, hindi pa rin nadadala ang kanilang anak sa ospital at umaasa ang mag-asawa na mas mapabilis ang pagpapapalit ng kanilang mga perang nasira.
Comments