top of page
Search

P30B pensyon ng MUP, oks sa DBM

BULGAR

ni Eli San Miguel @News | Jan. 21, 2025



File Photo: PH Marines / AFP


Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng mahigit ₱30 bilyon para sa pensyon ng military and uniformed personnel (MUP) para sa unang bahagi ng taon.


Sinabi ni Budget Secretary Amenah na nailabas ang ₱30.409 bilyon matapos matugunan ang lahat ng mga kinakailangan.


Ang pondo ay mula sa Pension and Gratuity Fund sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act.


Makakatanggap ang Armed Forces of the Philippines at Philippine Veterans Office sa ilalim ng Department of National Defense ng ₱16.752 bilyon, habang ₱13.297 bilyon naman ang mapupunta sa mga ahensiyang saklaw ng Department of the Interior and Local Government.


Bukod dito, ang 34 na pensyonado mula sa National Mapping and Resource Information Authority sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources ay makatatanggap ng ₱8.530 milyon.


Ang Philippine Coast Guard, sa ilalim ng Department of Transportation, ay makakakuha ng ₱350.680 milyon para sa 2,836 retirado.


Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pambansang badyet para sa 2025 na nagkakahalaga ng ₱6.326 trilyon, bahagyang mas mababa sa ₱6.352 trilyon.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page