top of page
Search
BULGAR

P3 to P5 K monthly allowance ng mga health workers, aprub na kay P-Du30

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 16, 2020



Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag-suweldo para sa mga health workers na patuloy na nagsasakripisyo para labanan ang COVID-19 pandemic.


Sa inilabas na Administrative Order 35, nakasaad ang karagdagang tax-free "active hazard duty pay" na aabot sa P3,000 kada buwan para sa mga health workers na nagseserbisyo laban sa COVID-19.


Nilagdaan na rin ni P-Duterte ang Administrative Order 36 na naglalayong mabigyan ng P5,000 monthly "special risk allowance" ang mga pampubliko at pribadong health workers na direktang nagsisilbi sa mga COVID-19 patients.


Nakasaad sa oder na: "There is a need to recognize the heroic and invaluable contributions of our public health workers throughout the country, who bravely and unselfishly risk their lives and health by being at the forefront of the national effort to address the public health emergency.”


Ang naturang karagdagang-suweldo sa mga health workers ay kabilang umano sa P13.5 billion pondo para sa paglaban ng bansa sa COVID-19 sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page