ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 10, 2020
Ipinagbawal na ng Cebu City government ang pagbi-videoke tuwing weekdays sa kabila ng pagsasailalim ng naturang lugar sa modified general community quarantine (MGCQ).
Ayon kay Cebu City Mayor Edgardo Labella, ang sinumang lumabag sa City Ordinance No. 1940 o ang anti-noise ordinance ng naturang lugar ay maaaring magmulta ng halagang P500 hanggang P3, 000. Nilagdaan ni Labella noong Biyernes ang Executive Order No. 100 na nagbabawal sa pagka-karaoke sa oras ng klase at trabaho, weekdays, 8 AM to 5 PM. Nakasaad sa EO na: “In consideration of these students and employees and upon the recommendation of the Cebu City Police Office, the City Government of Cebu finds it necessary to impose a ban on (the use of) video karaoke machines during daytime on weekdays within the duration of the Modified General Community Quarantine.
” Sisiguruhin din umano ng pamahalaan na mahigpit na maipapatupad ang naturang ordinansa. Aniya, “Further, barangay officials and other force multipliers are likewise mandated to implement the full extent of this Executive Order within their respective areas of jurisdiction.”
Comments