ni V. Reyes | February 6, 2023
May aasahan ang publiko na malakihang bawas-presyo sa gasoline at diesel ngayong linggo.
Ayon sa source mula sa oil industry, posibleng magpatupad ng rollback na P2.60 hanggang P3.10 sa kada litro ng diesel habang nasa P1.90 hanggang P2.40 kada litro sa gasolina.
Nauna na ring tinataya ng kumpanyang Unioil ang pagbaba ng gasolina at diesel sa Pebrero 7.
“Diesel should go down by P2.60 to P2.80 per liter. Gasoline should go down by P1.90 to P2.00 per liter. Load up accordingly,” ayon sa kumpanya.
Batay sa datos ng monitoring ng Department of Energy mula noong Enero 31 hanggang Pebrero 2, naglalaro sa P63.30 hanggang P72.05 kada litro ang gasolina sa Quezon City habang ang diesel ay nasa P64.03 hanggang P72.55 kada litro sa Makati City.
Ngayong taon, umabot na sa P7.20 kada litro ang itinaas ng gasolina habang P3.05 sa diesel at P4.45 sa kerosene.
Comentarios