top of page
Search
BULGAR

P29 maghahatid ng high-quality rice sa 35 milyong mahihirap na Pilipino... Sa ‘Rice for All’ program, panalo ang bawat Pilipino

by Intercontinental Broadcasting Crop. (IBC-13) @Info | Jan. 11, 2025



Kaakibat ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tiyakin ang seguridad sa pagkain ng bawat sambahayan, inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang dalawang inisyatiba, Program 29 (P29) at ang Rice for All (RFA) Program, upang magbigay ng abot-kayang bigas sa mga Filipino. Larawan mula sa sipi ng PCO



Itinuturing ang bigas na pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino kaya’t nararapat lamang na maipagbili ito sa mga mamimili sa halagang abot-kaya ng lahat.


Ang mga ganitong adhikain ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang inilatag mula nang maupo bilang pangulo ng bansa sa gitna ng pandaigdigang pagtaas ng presyo ng bilihin na lubhang nakaapekto sa presyo ng mga lokal na produktong agrikultural.


Dagdag pa sa mga suliraning dulot ng pagtaas ng presyo ng bigas ang iba’t ibang hamon at suliraning negatibong nakaaapekto sa agrikultura ng bansa. Kabilang dito ang kapabayaan ng mga dating nanungkulan, climate change, at mga pagbabago sa kalagayang panlipunan na nagdulot ng pagbaba ng bilang ng mga magsasaka.


Ang mga ito ay nagdulot ng kasalukuyang kakulangan sa suplay ng lokal na bigas na inaasahang sasapat sa pangangailangan ng bansa. Bunga nito, naging isa ang Pilipinas sa mga nangungunang importers ng bigas sa buong mundo.


Ayon sa pag-aaral ng United States Department of Agriculture na inilathala noong Marso 2024, tinatayang tataas ang konsumo ng bigas sa bansa mula 2024 hanggang 2025 kasabay ng paglaki ng populasyon ng Pilipinas.


Batay naman sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang per capita consumption ay nasa 120 kilo, nangangahulugang ang bawat Pilipino ay komukonsumo ng sampung kilo ng bigas kada buwan.


Ang mga ganitong pagtataya ay nagpapakita ng pangangailangang pagbutihin hindi

lamang ang produksiyon ng pagkain sa bansa kundi pati na rin ang pagpapababa ng presyo ng bigas—lalo na para sa mga mahihirap na ang konsumo ng bigas ay umaabot sa halos 20 porsiyento ng kanilang badyet, doble sa kinukonsumo ng karaniwang mamimili.


Ayon sa pinakabagong ulat ng PSA, ang isang kilo ng regular milled rice sa pambansang pamilihan ay may average retail price na higit sa 49 pesos noong ikalawang bahagi ng Nobyembre 2024 o mula Nobyembre 15 hanggang 17.


Sa layuning gawing mas abot-kaya ang bigas para sa publiko at alinsunod sa adhikain ni Pangulong Marcos na masigurong may pagkain ang bawat pamilya, inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang dalawang programa na naglalayong magbigay ng murang bigas sa mga Pilipino—ang Program 29 (P29) at ang Rice for All (RFA) Program.



Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at Kadiwa ng Pangulo sa San Jose, Occidental Mindoro noong ika-23 ng Abril 2024. Larawan mula sa sipi ng PCO



Ang dalawang programang ito ay alinsunod sa layunin ng Pangulo na makamit ang food security sa bansa. “Nananatiling pangunahin sa pambansang adyenda ang food security,” ayon sa Pangulo.


“Sa ating bisyon para sa isang masagana, matatag, at ligtas na Pilipinas sa taong 2040, ang pangunahing layunin ng administrasyong ito ay makabuo ng isang inclusive society na walang nagugutom, na ang mga Pilipino ay namumuhay nang malaon at malusog, naninirahan sa isang bansang ligtas at mapagkakatiwalaan, na may kalayaang maging malikhain, may angking talino, at kabahagi sa pagharap sa mga suliranin ng kasalukuyan.”


Inilunsad ang P29 noong Hulyo 5, 2024 sa sampung KADIWA ng Pangulo (KNP) centers sa Metro Manila at Bulacan, na may layuning gawing laganap ang murang bigas sa buong bansa.


Ang KNP ay isang market linkage facilitation program na ang mga pangunahing bilihin, kabilang ang mga produktong agrikultural, ay ibinebenta sa mas abot-kayang halaga.

Layunin ng P29 na magbigay ng mura at de-kalidad na bigas sa mga mahihirap na pamilya sa buong bansa. Target nitong maabot ang 6.9 milyong pamilya ohumigit- kumulang 35 milyong Pilipino, lalo na ang mga nasa disadvantaged sectors tulad ng mga indigent (4Ps beneficiaries), senior citizens, persons with disabilities (PWD), solo

parents, at indigenous people.


“Ang Program 29 ay isa sa dinirektiba po ng ating mahal na Pangulo bilang tugon sa mataas na presyo ng bigas,” paliwanag ni DA Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing and Consumer Affairs Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra.


Mula nang ilunsad ang P29 o Program 29 noong Hulyo, lumawak pa ito sa iba’t ibang lungsod at lalawigan sa bansa sa layunin ng pamahalaan na gawing available ang bigas na 29 pesos bawat kilo sa mga lugar sa Visayas at Mindanao.


Ang bigas na ginagamit sa programa ay nagmula sa non-regular stocks ng National Food Authority at binili ng Food Terminal Inc. (FTI)—isang korporasyon sa ilalim ng DA—at ibinebenta sa mga Pilipinong nasa vulnerable sector sa mas murang presyo.


Bilang karagdagang hakbang para makamit ang layunin ng gobyerno na mag

bigay ng abot-kayang pagkain sa mga Pilipino, inilunsad din ng DA ang “Rice for All” pro

gram sa pamamagitan ng pagbebenta ng well-milled rice sa halagang 40 pesos kada kilo.


Ang programa, na sinimulan noong Agosto 1, 2024, ay nagbibigay sa bawat mamimili

ng abot-kayang opsyon sa bigas. Sa ilalim ng inisyatibong ito, ang well-milled rice ay mabibili sa iba’t ibang KNP centers at pampublikong pamilihan sa iba’t ibang lugar, lalo na sa Luzon, sa halagang P40 bawat kilo, at bawat mamimili ay may nakalaang 25 kilong bigas kada araw.


Ang RFA ay isang self-sustaining initiative samantalang subsidized naman ang P29 program.


“‘Yung Rice-for-All program natin was following ‘yung pag-launch natin ng Program 29. We launched it to cater to vulnerable sectors. There was a concern na parang bakit sila

(vulnerable sectors) lang ang merong rice na mas mura. So ito po ‘yung naging response natin,” paliwanag ni Velicaria-Guevarra.



Dulot ng tagumpay ng Program 29 (P29), inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang “Rice-for-All” Program sa mga piling tindahan ng Kadiwa, kasama ng well-milled rice na P45 kada kilo, murang mga pru ng well-milled rice na P45 kada kilo, murang mga prutas, gulay, isda, at karne, upang tinyakin ang mas malawak na pagkamit ng mga Filipino sa murang bi malawak na pagkamit ng mga Filipino sa murang bigas. Larawan mula sa sipi ng DA



Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., maaaring mas bumaba pa ang presyo ng bigas sa ilalim ng “Rice for All” program depende sa wholesale market prices

ng bigas.


Tiniyak niya na sa pangkalahatan, mas mababa ang presyo ng bigas na ibinebenta sa ilalim ng programa kung ihahambing sa kasalukuyang retail price.


“Nais ni Pangulong Marcos na masigurong may access ang bawat Pilipino sa abot-kayang pagkain sa mga panahong ito. Kaugnay nito, patuloy naming palalawakin ang KADIWA network at gagawing available ang mas maraming pangunahing bilihin sa publiko,” ayon sa opisyal.


“Ang bisyon natin ay maibaba hanggang sa pinakamurang halaga ang mga pangunahing

pagkain sa ilalim ng Rice-for-All program,” dagdag niya.


Samantala, matagumpay na naisasagawa ang programa batay sa Publicus Asia PAHAYAG survey na isinagawa mula Setyembre 15 hanggang 19 at nagpakita na 82 porsiyento ng mga sumagot ay sumang-ayon sa paglulunsad ng dalawang programa na naging dahilan para kilalaning nangunguna o “most approved” program ng pamahalaan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page