ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 25, 2024
Inihayag ng Bureau of Customs (BOC) nitong Huwebes na nasabat isang shipment na “misdeclared” na naglalaman ng halagang P29.5 milyon ng tuyong marijuana o kush sa Manila International Container Port (MICP).
Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na idineklara ang shipment ng mga balikbayan box na dumating mula sa Thailand noong Abril 12, na naglalaman lamang ng mga household items, sapatos, at mga parte ng motor.
Isinagawa ang pagsusuri ng shipment matapos na makatanggap ang mga otoridad ng "derogatory information" na naglalaman ito ng ilegal na droga.
Maaaring humarap sa mga kaso para sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga consignee, sender, at recipient ng mga balikbayan box.
Comments