top of page
Search

P25-M Flava vape nakumpiska sa operasyon ng DTI at PNP

BULGAR

ni Chit Luna @News | April 26, 2024



PR photo
Sinuspinde ng FTEB ang pagbebenta ng Flava products dahil sa umano'y paggamit ng flavor descriptors sa kanilang produkto na sinasabing nakakaakit sa mga menor de edad. Photo: DTI - Fair Trade Enforcement Bureau


Aabotsa P25 milyong halaga ng ipinagbabawal na Flava vape products ang nakumpiska ng mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine National Police (PNP) sa ikinasang operasyon laban sa isang vape store malapit sa Baclaran Elementary School sa Paranaque City.


Ayon kay DTI-FTEB Director Fhillip Sawali, nasa 452 boxes ng illegal vape products ang kanilang nasasamsam sa vape store na mayroong 20 metro lang ang layo sa nasabing paaralan.


Ang pagkumpiska ay naganap makaraan ang sanib-puwersang pagsalakay sa vape store dahil sa paglabag ng Republic Act No. 11900, o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act of 2022. Alinsunod sa batas, bawal ang pagbebenta ng vapes o e-cigarettes na malapit sa mga paaralan, playground at iba pang tinatambayan ng kabataan na nasa 100 metro.


Noong Marso 25, ipinag-utos ng FTEB ang suspension ng pagbebenta, manufacturing, pag-angkat o import at distribusyon ng vape na gawa ng Flava kasunod ng paglabag sa RA 11900. Inatasan din ni DTI Secretary Alfredo Pascual ang FTEB personnel na tanggalin o kumpiskahin ang non-compliant products sa merkado bilang pagdiriin na maunawaan ng publiko, at vape store ang kanilang mandato na suportahan lamang ang legitimate businesses upang matiyak ang kaligtasan ng consumer.


“The DTI will not shirk from its responsibility of enforcing trade, industry and consumer protection laws to help legitimate businesses and promote consumer protection,” ayon kay Pascual. Nagbabala rin ang Kalihim sa mga manufacturer, importers, distributor at retailer laban sa pakikipagsabwatan sa ilegal na akto ng pag-trade ng illicit vapes at iba pang labag na mga produkto.


Nitong April 24 operation, natuklasan ng awtoridad ang nasabing tindahan na gumagamit ng milk tea shop bilang front sa pagtitinda at pagdi- distribute ng banned vapes. Sinabi ni Sawali na ang nasabing establisimyento ay maraming nalabag na provision sa RA 11900, kasama na ang Section 9 na pagbabawal sa pagbebenta ng vapes sa loob ng 100 meters mula sa paaralan at Section 12 na nagbabawal sa paggamit ng flavor descriptors na kaakit-akit para sa kabataan.


Sinuspinde ng FTEB ang pagbebenta ng Flava products dahil sa umano'y paggamit ng flavor descriptors sa kanilang produkto na sinasabing nakakaakit sa mga menor de edad.


Tiniyak naman ni Sawali at DTI Assistant Secretary Amanda Marie Nograles, pinuno ng DTI- Consumer Protection Group, na ang operasyon ay magbibigay ng matibay na ebidensiya laban sa patuloy na pagbebenta ng ipinagbabawal na Flava products.


Ang RA 11900 o mas kilala sa Vape Law ang siyang nagtatakda ng regulasyon o panuntunan sa importation, assembly, manufacture, sale, packaging, distribution, promotion at sponsorship ng vape products, devices at bago o novel tobacco products.


Layunin ng batas na matiyak ang healthy environment, maiwasan ang pagbebenta ng nasabing produkto sa mga kabataan at mapigilan ang ilegal na pagbebenta nito. Itinakda rin ng Vape Law ang implementing rules para sa mga retailers at mga manufacturers.


Tiniyak din ni Pascual na pinaigting nila ang monitoring at enforcement efforts, upang pigilan ang illegal trade ng vape products na ang puntirya ay minors.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page