top of page
Search

P216 M idineklarang gastos sa VP race ni Sara Duterte

BULGAR

ni Lolet Abania | June 8, 2022



Mahigit sa P216 million ang idineklara ni Vice President-elect Sara Duterte na kanyang nagastos para sa kampanya sa 2022 vice presidential race.


Batay sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) na inihain sa Commission on Elections (Comelec), ang kabuuang mga nagastos o expenditures ay P216,190,935.06. Habang ang kabuuang kontribusyon na kanyang natanggap ay pareho ring P216,190,935.06.


Sa naturang halaga, P79,581,690.15 ay nanggaling sa mga in-kind contributions na natanggap mula sa ibang sources habang P136,609,244.91 ay in-kind contributions mula sa kanyang political party.


Base sa SOCE, si Duterte ay walang natanggap na cash contributions alinman sa ibang mga sources o sa kanyang political party. Nitong Martes, isinumite ni Duterte ang kanyang SOCE, isang araw bago ang June 8 deadline.


Inaasahan ng Campaign Finance Office ng Commission on Elections (Comelec) na matatanggap ang lahat ng SOCEs ng mga kandidato ngayong Miyerkules.


Ayon pa sa Comelec, lahat ng kandidato, nanalo man o natalo ay kailangang magsumite ng kanilang SOCEs sa Comelec, 30 araw matapos ang election day.


Base sa Comelec ang mga kandidato sa pagka-pangulo at pagka-bise presidente ay pinapayagang gumastos ng P674 million para sa kanilang kampanya, o P10 bawat isa para sa 67.44 million registered voters.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page