top of page
Search
BULGAR

P20M gastos sa pagkain sa SONA ni PBBM, nakakahiya naman sa mga nagugutom, tsk!

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 11, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SA TANDEM NA GOV. DANIEL FERNANDO AT VG ALEX CASTRO, BAWAL POGO SA BULACAN – Matapos magpalabas ng executive order ni Gov. Daniel Fernando na banned sa Bulacan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), agad namang nagpasa ng ordinansa ang Sangguniang Panlalawigan (SP) sa pamumuno ni Vice Gov. Alex Castro na bawal sa lalawigang ito ang POGO. 


Sa mga lalawigan sa buong bansa, kauna-unahan ang Bulacan sa nagbawal sa POGO.

Ganyan kagaling ang tandem na Gov. Daniel at VG Alex kasi sa mga ginawa nilang aksyon, hindi makakaporma sa Bulacan ang POGO, palakpakan naman d’yan!


***


DAMING NAUNGGOY SI ROQUE SA PAGPAPANGGAP NA HUMAN RIGHTS LAWYER KASI NAG-SPOKESMAN SA HUMAN RIGHTS VIOLATOR PRESIDENT, NAG-ABOGADO PA SA POGO – Sa Senate hearing, pinangalanan na ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco ang dating Cabinet member ni ex-President Rodrigo Duterte na nagla-lobby sa PAGCOR para sa Lucky South 99 Corporation sa Porac, Pampanga at ito ay si former Presidential spokesman Harry Roque na nagsisilbi umano ngayong abogado ng POGO hub na ito.


Dami talagang naunggoy ni Roque sa pagpapanggap niyang human rights lawyer noon, na matapos maging spokesman ng human rights violator ni ex-Pres. Duterte, eh ang pinasok naman ngayon ay pagiging protektor, nag-aabogado pa sa mga Chinese POGO, pwe!


***


SA DAMI NG NAGUGUTOM, NAGAWA PA NG GOBYERNONG GUMASTA NG P20M FOODS AND DRINKS PARA LANG SA MGA BISITA SA SONA NI PBBM – Ayon kay House of Representatives Secretary General Reginald Velasco, aabutin daw sa P20 milyon ang gagastusin ng Kongreso para sa foods and drinks ng mga bisitang dadalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.


Maraming Pinoy ang nagugutom na halos hindi na makakain ng tatlong beses sa isang araw sa sobrang mahal ng presyo ng pagkain, tapos ang gobyerno, sa isang araw lang ay gagasta ng P20M para lang sa foods and drinks ng mga bisita sa SONA ni PBBM? Tsk!


***


KALOKOHANG SURVEY NG RPMD TUNGKOL SA 12 TOP PERFORMING PARTYLIST DAW SA KONGRESO –Kalokohan ang isinapublikong survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) patungkol sa 12 top performing partylist representatives sa Kongreso.


Nasabi nating kalokohan kasi ang mga partylist na ito na tinutukoy ng RPMD survey firm ay partylist ng mga trapo na wala namang nabalitang ginawang panukalang batas para sa kapakanan ng mamamayan, na ang nais nating ipunto sa isyung ito, fake survey ‘yang isinapubliko ng RPMD, period!

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page