top of page
Search
BULGAR

P20-M ibinigay ng DOH sa mga ospital sa Bicol

ni Lolet Abania | November 5, 2020



Nagkaloob ang Department of Health (DOH) ng P20 million na financial assistance sa mga ospital at mga lugar na matinding tinamaan ng Super Typhoon Rolly.


Ayon kay DOH Usec. Rosario Vergeire, nagbigay ng tulong ang ahensiya sa tatlong DOH hospitals at mga apektadong lugar at siyudad sa Bicol region.


Ang mga nakatanggap ng aid na mga ospital ng DOH ay ang mga sumusunod:


* Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi, Albay (P5 million)

* Bicol Medical Center sa Naga City, Camarines Sur (P5 million)

* Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center sa Cabusao, Camarines Sur (P2 million) Gayundin, nagbigay ang ahensiya ng P2 million sa lalawigan ng Camarines Sur, habang ang Albay at Catanduanes ay nakatanggap naman ng P1.5 million bawat isa.


Sa Naga City, nagkaloob ang ahensiya ng P1.2 million, habang sa Camarines Norte, Masbate at Sorsogon ay mayroong P600,000 bawat isa.


Samantala, ang Bagyong Rolly ang pinakamalakas na cyclone na tumama sa bansa ngayong taon, kung saan apektado nang husto ang Luzon, nagdulot ng 20 katao na namatay, 74 nasugatan at tatlo pa ang nawawala, ayon sa pinakabagong naiulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page