ni Eli San Miguel @News | Nov. 27, 2024
Photo: Murang Pagkain Super-committee - House of Representatives
Muling binibigyang-buhay ng House Murang Pagkain Super-committee, ang pangako ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos na pababain ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo.
Ayon kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda, layunin ng komite na mailapit ang presyo ng bigas hangga't maaari sa target ng Pangulo.
“We will try to push the envelope as close to that as possible. What I can tell you is that it looks like there is a path to P30 per kilo,” ani Salceda.
“A big part of that is cutting down excessive middleman and cartel profits,” pagpapatuloy niya. “We have enough laws already—the key is to enforce them—catch them, prosecute them and punish them,” pagbibigay-diin ng mambabatas.
Binanggit ng Bikolanong mambabatas na naglatag na si Pangulong Marcos ng sapat na mga hakbang upang mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.
Kabilang sa mga hakbang na ito ang polisiya ng pagbabawas ng taripa sa inaangkat na bigas.
“Even if you assume profits of 20 percent, prices should be at P37 per kilo. Something is really wrong,” aniya.
“Not yet the committee report, but we hope something that PBBM can use to crack down on price abuse. Pamasko man lang sa taumbayan,” dagdag pa ni Salceda.
Comments