ni BRT @News | August 23, 2023
Binigyang diin ng Department of Agriculture (DA) na ang pagbaba ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo ay depende sa merkado kahit na maabot ng bansa ang target na 95% rice sufficiency.
Ginawa ni DA Undersecretary Leocadio Sebastian ang pahayag sa pagtatanong ni House Deputy Minority Leader Mujiv Hataman ng Basilan kung posible ang P20 kada kilo o presyo ng bigas kung maabot ng DA ang layunin nitong 95% hanggang 97% na self-sufficiency.
Aniya, kung mapapabuti ang value chain, mabawasan ang cost ng post-harvest cost, at cost of production, maaaring ma-maintain ang mababang presyo ng bigas para sa consumers.
Ipinaliwanag ni Sebastian na ang post-harvest production cost ay ang presyo ng bawat kilo ng palay.
Dagdag pa ng opisyal na dapat hindi lang isinasaalang-alang ang availability ng produkto, kundi ay dapat affordable din.
Sa ngayon, ang presyo ng bigas sa iba’t ibang pamilihan sa bansa ay umaabot sa P40-P60 kada kilo.
Yorumlar